Habang masayang na nagpo-post sa Facebook ang karamihan ng mga larawan at plano nilang bakasyon... Ako ay nasa opisina kasama ang mangilan-ngilan pang tapat sa aming tungkulin. Nakatambay as usual sa balkonahe ng opisina, nakikipagkwentuhan sa mga katrabaho ng magsabi ang isa na:
"Bawal mag Family Computer kapag mahal na araw"
-Ermat ng isa sa kasamahan ko sa trabaho
Dun ko naisip gumawa ng isang segment ukol sa kwaresma.
Ang panahon kwaresma o siguro mas kilala dito sa atin na “semana santa”
Ano nga ba ito? Nahirapan ako kung pano sisimulan kaya't nanghingi ako ng tulong sa "Wikipedia". ayon sa nakalap kong impormasyon, ang Holy Week o mahal na araw sa tagalog ay parte lamang ng kwaresma. bale ang mahal na araw ay parang “closing” dahil ito ang takda ng huling linggo ng kwaresma. madalas rin itong tawaging “dakilang linggo.” Dito rin ipinagdiriwang ang linggong pinakabanal para sa mga katoliko, mula sa miyerkules santo, Linggo ng Palaspas, Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria, at ang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o easter sunday, kung hindi ako nagkakamali.
Noong unang panahon, noong ako ay bata pa (hindi naman katagalan), aking nagugunita kung paano namin binibigyan pansin ang Semana Santa. Sariwa pa sa aking alala kung paano namin ito pinagdiriwang ng buong puso at may pagkayap sa nakaugaliang kultura nating mga Pilipino.
Sa panahong kasalukuyan, gaano kahalaga sa inyo ang Semana Santa? Ito ba ay binigibyan nyo pa ng pansin? Paano nyo ito pinagdiriwang? Aking ininterbyu ang ilan sa aking mga kasamahan narito ang mga sagot nila:
[3:21:35 PM] "Jutskie": anu mga pamahiin na natatandaan nyo nung bata kayo pag mahal na araw?
[3:21:56 PM] Opismeyt Girl1: pag nagkasugat matagal daw gagaling
[3:22:04 PM] Opismeyt Girl1: dahil patay ang diyos. >.<
[3:22:09 PM] Opismeyt Girl1: (facepalm)
[3:22:11 PM] Opismeyt Boy1: bawal amaligo
[3:23:49 PM] Opismeyt Girl2: aw
[3:23:54 PM] Opismeyt Girl2: ndi bawal maligo
[3:23:58 PM] Opismeyt Girl2: bawal maligo beyond 3pm
[3:24:00 PM] Opismeyt Girl2: :|
[3:24:14 PM] Opismeyt Boy2: bawal mg walis sa gabi
[3:24:23 PM] Opismeyt Boy2: at pag galing sa patay , pnta ka muna sa ibang lugar
[3:24:28 PM] Opismeyt Boy2: bgo umuwi
*Sadyang pinalitan ang mga pangalan upang proteksyonan ang kanilang identity.
So ayun nag desisyon na lang ako na sariling istorya ko na lang at kuro kuro ang i-share ko.
Mabalik tayo ulit sa kabataan ko. Nung bata ako tuwing mahal na araw sa lugar namin o maski saan mang lugar, maraming bawal, bawal ang ganito, bawal ang ganyan, mga kasabihang hindi maintindihan ng mura kong isipan kung bakit kailangang sundin. Bawal ang maligo, bawal kumain ng baboy, bawal masugatan, bawal maglaro, o sige matulog na lang ako maghapon buset . Dahil sa ako ay isang musmos at nagaaral sa isang catholic school, sumusunod lang ako sa mga utos ng matatanda. Ang masaya dito ay nagbabakasyon ako sa novaliches kung saan halos lahat kaming magpipinsan ay naruon din. Maaaninag ang mga ngiti at pananabik sa aming mga kilos, siyempre bata kami, kwentuhan tungkol sa laruan, mga damit, grado sa paaralan at iba pa.
Kapag mahal na araw, yun nga bawal maligo, masaya yun kase lahat kayo amoy araw, ok lang yun kase lahat naman kayo walang ligo, tapos kapatid ng bawal maligo ang bawal maglaro kase papawisan ka, pero siyempre bilang isang bata kaligayahan ang maglaro. Kaya improvise na lang kame ng kung ano man yung mga girls.... shempre Jackstone as usual.
Isa sa inaabangan ko dito ay pag dadaan na ang "Senakulo", nasa bandang kalsada kasi ang bahay kaya kitang kita mo talaga. Tatayo kami sa gilid ng kalsada naka linya nanonood habang nag puprusisyon.
Sa aking pagtanda, unti unti kong nauunawaan at nalaman ang lahat ng bawal na ipinapagawa sa amin ng mga elders. Nais lang nilang ipaalam na si papa Jesus ay naghirap, di naligo at namatay sa krus para sa ating mga kasalanan.
Para sa ating mga kristiyano na nirerespeto ang ganitong pagdiriwang sa ating relihiyon, sana isapuso ito, sayang naman kung hindi tayo mag pokus, isang beses lang to sa isang taon. Isang beses lang rin sa isang taon na pagkakataon na magpahiwatig ng pagpapatawad sa ating panginoon sa taos pusong pamamaraan.
-Jutskie