Lunes, Oktubre 20, 2014

It's a holiday because it's my birthday today! Nope!


Nuong bata ako, masayang masaya ako kapag nalalapit na ang aking kaarawan. Iniimbitahan ng aking ina ang halos lahat ng kaibigan ko at kaklase. Minsan ay aarkila sila ng payaso o salamangkero upang aliwin ang mga batang bisita. Ispesyal din kapag umarkila sila ng sorbetero. Halo halo din ang games na nakahanda tulad ng pabitin, pin the tail on the donkey, trip to jerusalem, trivia questions, at iba pa. Napakasaya sapagkat planado na ng magulang mo ang lahat, ang magiging trabaho ko na lang ay lumabas, ihipan ang kandila na hinulma sa numero kung ano ang edad mo sa cake, tumanggap ng regalo, kainin ang mga icing na korteng bulaklak sa cake, at kumain ng sorbetes bago ito matunaw. 





"Masyado akong cool para magcelebrate birthday!"

Yan madalas ang iniisip ng ibang tao kapag sinasabi ko na hindi ako nag cecelebrate ng birthday. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, na kamuhian ang maging sentro ng atraksyon. I’m not one to make a big deal out of my birthday. I don’t tell people it’s my birthday. Isang araw o sa mismong araw ng aking kaarawan, madalas akong tanungin ng aking ina kung ano ang plano ko at kung nagsimba na ba ako. Sasagot lang ako na "Wala, regular na araw lang papasok kakaen siguro ng konte, yun lang. It makes her sad, pero pipilitin nya pa ring ngumiti at sasabihing "Happy Birthday anak." 

 Hindi rin ako komportable sa atensyon na binibigay sa akin ni facebook. Ngayong taon ay sinubukan kong i-disable ang birthday ko upang hindi maipaalala sa friends ko ang tungkol dito. Bakit? Dahil ayaw ko din makakuha ng obligatory birthday wishes ang wall ng fb ko from acquaintances/people I don’t care about. Nakukunsensya din akong hindi replyan lahat ng bumati sa wall ko. Makakatulong ito ng malaki upang i-reserve ang energy at effort naming dalawa sa pag post sa fb wall ko. Bukod dito, nalalaman ko kung sino talaga ang mga kaibigan o kakilala kong nakakaalala ng hindi kailangang i-check o mag log-in sa fb.



"Wala ka na sa Kalendaryo!"

Sa taong ito ay ang aking ika-32 kaarawan. Oo narinig ko na yan, singdami halos ng paulit ulit na re-run ng ghostfighter at slamdunk sa TV.

And now approaching 32: 


Who I am versus where I am and where I've been - circumstance versus self, if you will. 

"Bakit hindi natupad ang pangarap kong maging Astronaut?"

When I looked back at what was I trying to accomplish from my 20's. I see a reason to be frustrated. But what I all-too-often forget is that progress in your circumstance is one thing - your title, your salary, your network. Progress in your self is something very different.


But I think part of being a mature person with their eyes squarely set on the prize has to do with not letting your circumstances bleed into your self. My circumstances are frustrating; my self remains hopeful. 

Wala akong sinisisi, ito ay pagkakataon. Instead of quitting, better play with the cards you are dealt with. Sa tingin ko naman ay nasa maayos na kalagayan na ako kumpara nuon. Nakakapanghinayang ngunit, ang mga karanasan kong nagdaan ang isa sa naging pundasyon ng aking pagkatao sa ngayon.

My adulthood birthday memories merely consist of going out to dinner or having a drink with a small group of friends. Or, a friend. I just don’t care about celebrating my birth. Pero napagisip isip ko rin naman. Wala namang mawawala kung i-cecelebrate ko ang aking kaarawan at i-acknowledge lahat ng nais bumati. Ito siguro ang simula ng edad na wala na akong interes sa kung ano mang drama sa buhay.


"Elegance is not the prerogative of those who have just escaped from adolescence, but of those who have already taken possession of their future."
-Coco Chanel






-Jutskie


Huwebes, Pebrero 13, 2014

Valentines Day!

Ating tignan ang mga bagay bagay na madalas nating makita tuwing araw ng mga puso.

1. Mga kalalakihan na naghahanap ng mga bagay na nabanggit sa imahe upang magpasikat sa kanilang mga iniirog o nililigawan.


2. Mga magkasintahang magkasamang kumakain sa labas (dinner). May kakaibang hiwaga ang araw na ito. Mas nakakapagpatatag ng samahan at atraksyon ang nasabing araw kumpara sa pangkaraniwang araw.

Halimbawa:
Boyfriend: (Sa isip) February 14 na responsibilidad kong mag pretend na extra attracted ke GF sa araw na ito.

Boyfriend: Hey girl! You look like extra attractive today!

Girlfriend: Ikaw rin! Hi hi hi hi.

3. Tearjerker movies, Valentines day movie specials/marathons.

Halimbawa: 
Reporter: Ikaw kuya ano madalas mong gawin tuwing araw ng mga puso?

Iniinterview: Wala akong BF/GF. Sa bahay lang ako pero imbes na manood ng mga love story na nakakapagpababa ng self esteem ko, nanonood ako ng porn sa net.

4. Mga pickup lines.


5. Mga taong ganito:



Anyway napaka kumplikado pero sa totoo lang, karamihan ng tao at ineexpect lang naman may makatabi silang mabango sa pagtulog. Next time na lang ulit me pinapagawa na boss ko hahaha! bigyan ko na lang kayo ng " Kanta " para sa mga nobya/nobyo ninyo. Happy Puso!


-Jutskie