Sabado, Marso 30, 2013

Kwaresma

Ika-30 ng Marso 2013

Habang masayang na nagpo-post sa Facebook ang karamihan ng mga larawan at plano nilang bakasyon... Ako ay nasa opisina kasama ang mangilan-ngilan pang tapat sa aming tungkulin. Nakatambay as usual sa balkonahe ng opisina, nakikipagkwentuhan sa mga katrabaho ng magsabi ang isa na:

"Bawal mag Family Computer kapag mahal na araw" 
 -Ermat ng isa sa kasamahan ko sa trabaho

Dun ko naisip gumawa ng isang segment ukol sa kwaresma.


Ang panahon kwaresma o siguro mas kilala dito sa atin na “semana santa

Ano nga ba ito? Nahirapan ako kung pano sisimulan kaya't nanghingi ako ng tulong sa "Wikipedia". ayon sa nakalap kong impormasyon, ang Holy Week o mahal na araw sa tagalog ay parte lamang ng kwaresma. bale ang mahal na araw ay parang  “closing” dahil ito ang takda ng huling linggo ng kwaresma. madalas rin itong tawaging “dakilang linggo.” Dito rin ipinagdiriwang ang  linggong pinakabanal para sa mga katoliko, mula sa miyerkules santo, Linggo ng Palaspas, Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria, at ang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o easter sunday, kung hindi ako nagkakamali.


Noong unang panahon, noong ako ay bata pa (hindi naman katagalan), aking nagugunita kung paano namin binibigyan pansin ang Semana Santa. Sariwa pa sa aking alala kung paano namin ito pinagdiriwang ng buong puso at may pagkayap sa nakaugaliang kultura nating mga Pilipino. 

Sa panahong kasalukuyan, gaano kahalaga sa inyo ang Semana Santa? Ito ba ay binigibyan nyo pa ng pansin? Paano nyo ito pinagdiriwang? Aking ininterbyu ang ilan sa aking mga kasamahan narito ang mga sagot nila:

[3:21:35 PM]  "Jutskie": anu mga pamahiin na natatandaan nyo nung bata kayo pag mahal na araw?
[3:21:56 PM] Opismeyt Girl1: pag nagkasugat matagal daw gagaling
[3:22:04 PM] Opismeyt Girl1: dahil patay ang diyos. >.<
[3:22:09 PM] Opismeyt Girl1: (facepalm)
[3:22:11 PM] Opismeyt Boy1: bawal amaligo
[3:23:49 PM] Opismeyt Girl2: aw
[3:23:54 PM] Opismeyt Girl2: ndi bawal maligo
[3:23:58 PM] Opismeyt Girl2: bawal maligo beyond 3pm
[3:24:00 PM] Opismeyt Girl2: :|
[3:24:14 PM] Opismeyt Boy2: bawal mg walis sa gabi
[3:24:23 PM] Opismeyt Boy2: at pag galing sa patay , pnta ka muna sa ibang lugar
[3:24:28 PM] Opismeyt Boy2: bgo umuwi

*Sadyang pinalitan ang mga pangalan upang proteksyonan ang kanilang identity.

 So ayun nag desisyon na lang ako na sariling istorya ko na lang at kuro kuro ang i-share ko.
Mabalik tayo ulit sa kabataan ko. Nung bata ako tuwing mahal na araw sa lugar namin o maski saan mang lugar, maraming bawal, bawal ang ganito, bawal ang ganyan, mga kasabihang hindi maintindihan ng mura kong isipan kung bakit kailangang sundin. Bawal ang maligo, bawal kumain ng baboy, bawal masugatan, bawal maglaro, o sige matulog na lang ako maghapon buset . Dahil sa ako ay isang musmos at nagaaral sa isang catholic school, sumusunod lang ako sa mga utos ng matatanda. Ang masaya dito ay nagbabakasyon ako sa novaliches kung saan halos lahat kaming magpipinsan ay naruon din. Maaaninag ang mga ngiti at pananabik sa aming mga kilos, siyempre bata kami, kwentuhan tungkol sa laruan, mga damit, grado sa paaralan at iba pa.

Kapag mahal na araw, yun nga bawal maligo, masaya yun kase lahat kayo amoy araw, ok lang yun kase lahat naman kayo walang ligo, tapos kapatid ng bawal maligo ang bawal maglaro kase papawisan ka, pero siyempre bilang isang bata kaligayahan ang maglaro. Kaya improvise na lang kame ng kung ano man yung mga girls.... shempre Jackstone as usual.

Isa sa inaabangan ko dito ay pag dadaan na ang "Senakulo", nasa bandang kalsada kasi ang bahay kaya kitang kita mo talaga. Tatayo kami sa gilid ng kalsada naka linya nanonood habang nag puprusisyon.

Sa aking pagtanda, unti unti kong nauunawaan at nalaman ang lahat ng bawal na ipinapagawa sa amin ng mga elders. Nais lang nilang ipaalam na si papa Jesus ay naghirap, di naligo at namatay sa krus para sa ating mga kasalanan.

Para sa ating mga kristiyano na nirerespeto ang ganitong pagdiriwang sa ating relihiyon, sana isapuso ito, sayang naman kung hindi tayo mag pokus, isang beses lang to sa isang taon. Isang beses lang rin sa isang taon na pagkakataon na magpahiwatig ng pagpapatawad sa ating panginoon sa taos pusong pamamaraan.


 -Jutskie

Martes, Marso 12, 2013

Moralidad




Bakit natin pinaparusahan ang mga nakagawa ng Krimen? Anu nga ba ang "CRIME" in the first place?

Sigurado may mga sasagot at sasabihing "Upang maturuan ng leksyon o para hindi gayahin." Pagkatapos ay titingin sa akin na nakataas ang kaliwang kilay. Well..... ihalimbawa natin ang pagpatay. Paano natin nasabing krimen ang pagpatay?

Maaaring kailangan nating bumalik sa sinaunang panahon kung saan naisip ng ating mga ninuno na hindi tama ang pagpatay ng kapwa. Pagkatapos may ibang tao na dinagdag ito sa kanilang relihiyon (o diyos kung ano man ang pinaniniwalaan mo) kung saan unti unting naitanim ito sa ating mga isipan paglipas ng panahon. We realized that murder is wrong in every sense of the word wrong. Bilang isang indibidwal sainasabi ng ating moralidad na ang pagpatay ay mali. Maging ang mga batas sa ating bansa ay binase sa moralidad, according to this reasoning. Ganitong konsepto din ang ginamit sa pagnanakaw, kidnapping, at iba pang krimen na maiisip mo. Heto ngayon ang ikalawang tanong: ano ang limitasyon ng moral law?

Ano nga ba ang moral? Dapat bang tayo, bilang isang indibidwal, decide what our moral principles are? Responsable ba tayo upang magdesisyon kung ano ang tama at mali? Maaari ba tayong gumawa ng batas hango sa moralidad? or better yet, bakit hindi tayo gumawa ng batas hango sa moralidad?

Moralidad ba kamo? Eh kelangan kong magkaposisyon agad eh...

I think it all goes back to the murder argument. Dahil halos buong bansa ang naniniwala na ang pagpatay (murder) ay mali, kinokondena natin ito at binibigyan ng matinding kaparusahan ang gumagawa nito. So, kung ang ating bansa ay sumusuporta o hindi sa same-sex marriage, we should allow for that decision to play out. May mga kokontra for the sake of equality, pero yun kasi ang kanilang moral principles. Walang pinagkaiba sa taong gustong i ban ang relasyong ito dahil ayon sa kanilang moralidad ay tradisyonal na marriage ang tama. Maaaring walang sense sa taong nakikipagdebate sa equality, pero dahil ang taong ito ay iba ang moralidad kesa duon sa taong nakikipagargumento tungkol sa tradisyunal na kasal.

Pero ito ang pinamalaking tanong: Paano natin dedesisyunan kung ano sa moral argument ang susuportahan natin bilang isang nation? Hindi ako naniniwala sa mga public opinion polls, at botohan regarding this matter. Ang mga poll ay may error margin, at hindi lahat ng tao ay bumoboto. Naniniwala ako na kapag ang isang bansa ay nagdesisyon kung ano ang kanilang moral standards, tayo bilang mamamayan ay malalaman natin. Kasing sigurado na ang pagpatay ay isang krimen. Karamihan ay maniniwalang ito ay tama, and along with it, the politicians.

So ayun nga ayon sa aking obserbasyon hindi ko maaaring husgahan ang taong malaki ang katawan (Mukang nagg-gym), na inunahan ang isang matandang babae na inalok ko ng upuan sa LRT. Malamang dahil ay pinalaki siyang ganun kaya ganun na lamang ang moralidad niya. Anyway heto ang isang comic strip kung sakaling hindi mo naintindihan ang sinasabi ko.






-Jutskie



Lunes, Enero 21, 2013

The era of the eighties is a favourite for many, including me


Mas mabagal ang takbo ng panahon, hindi kagaya ngayon na halos lahat ng tao ay nagmamadali sa landas na hindi sigurado ang patutunguhan. Ito ang alaala ng aking kabataan, maaaring boring din sapagkat wala pang Internet, iPhone, Facebook, at cable TV.

Narito ang listahan sa mangilan ngilang bagay na makapagpapaalala sa atin sa dekada otsenta, mas marami pang bagay na hindi ko maililimbag at baka may pagkabiased ang ililista ko sapagkat gagawin kong batayan ang memorya ng aking pagkabata.


Hawflakes

Di ko na maalala kung anong brand name nung ganito sa atin nuon pero isa ito sa mahilig kong papakin kapag meryenda na.


Jolens
Maaaring isa sa pinakasikat na laruan nuon,  Ang holen ay isang laro kung saan masusukat ang abilidad at accuracy ng naglalaro nito. Pangkaraniwan na laro nito ay Tantsing, kung saan nakalagay ang mga taya na holen sa isang bilog at titirahin gamit ng pamatong holen ang nasa loob ng bilog. Ang lahat ng lumabas na holen ay makakabig ng tumira.


Game & Watch



Isa sa mga sikat na libangan nuon, astig ka pag meron ka nito pag lonely ka ilabas mo lang ganito mo surebol dudumugin ka ng mga kalaro mo. Para sa mga can't afford naman carry lang dahil me ganito sa labas ng paaralan kung saan nakatali sa de tulak na kariton at pinapaarkilahan ng piso hanggang sa ma game over ka.


Clay
Oo tama maaaring naituro sa HEKASI na ang clay o luwad ay isang uri ng lupa, ngunit ito ang clay na ating pinaglalaruan. Nagdadahilan pa tayo ke ermat na gagamitin sa art project kaya nagpapabili tayo nito.


WWF
Pag gabi ng miyerkules di ko na maalala ang time slot. Epikong labanan, tagisan ng galing, at banggaan ng namamawis na kalamnan. Ito ang panahon na pag sinabing WWF sina Hulk Hogan, Andre the Giant, Ultimate Warrior, Jake the Snake, at iba pa ang papasok sa isip mo at hindi isang logo na may Panda. Maaaring hindi lang ako ngunit marami sa atin ang nangarap na makasali sa WWF nung bata pa tayo.


Ultraman
Si Ultraman! isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ko mag pang umaga nuon ay upang mapanood si Ultraman tuwing hapon. Tama malamang naranasan mo na rin na parang maihi habang may kalaban si Ultraman at tumutunog na yung pulang ilaw sa kanyang dibdib, at akmang sasabihin na "Bilisan mo Ultraman talunin mo na!!!". Todo effort din sa costume ng kalaban. Ginagaya ko ang labanan nito sa aking kama gamit ang hotdog na unan dahil parang ganun ang kilos ng kalaban ni Ultraman. Mga higanteng dragon na parang unan sa lambot ang mga parte ng katawan.


Casio watch
Ito ang katumbas ng iPhone 5 sa panahon ngayon. Pag elementary ka at meron ka nito astig ka. Meron din itong built in na stop watch timer. Astig!


Fido Dido

Mascot ng 7up. Sumikat si Fido Dido ng late 80's. Sa sobrang sikat me T- Shirt, Bag, posters, at iba pa ang may tatak ng character na ito. Nagkaroon din ng pelikula na ripoff nito, starring Rene Requestas at Kris Aquino.


Multi - Purpose Pencilcase


Ang swiss knife version ng pencilcase. may mga pindutan ito na may ibat ibang gamit. Atat na ata ka pumasok sa school upang ipagyabang sa kaklase mo pag nabilhan ka ng nanay mo nito.


Sipa

 Madalas laruin kapag walang pasok. Kadalasan ito ay gawa sa pinitpit na tingga ay may mga ginupit na plastik bilang buntot. Gawa naman sa rattan ang ginagamit sa Sepak Takraw. Ginagamit ang ulo, siko, tuhod, o paa sa paglalaro nito. Ang objective ng laro ay manipulahin ang Sipa upang maiwasang malaglag sa lupa.


Crayola
Meron pa rin naman nito ngayon, pero mas astig pag elementary ka at meron kang Crayola 64. Me pantasa pa ng crayola yan sa likod. Dukha ako nuon kaya hanggang crayola 8 lang ako kung saan kasali lang ang primary colors.

Actually mukang masaya ang issue na ito kaya maghahanap pa ko ng mga nostalgic stuff from the 80's.


-Jutskie



Miyerkules, Enero 16, 2013

Ano ang kahalagahan ng pagbabasa ng libro?


Isa sa magandang gawain ang pagbabasa, sapagkat hinggil sa inyong hililg at interes dito maraming magagandang bagay itong naidudulot. Nakakapagpalawak ito ng ating imahinasyon. Naipapaisip saatin ng ating nababasa ang mga bagay na imposible nating makita o maranasan. Nakukuha nating maglakbay sa pagbabasa. Higit sa lahat, marami tayong napupulot na kaalaman at aral. Nadadagdagan ang ating mga nalalaman.

Maraming benepisyo ang dulot nang pagbabasa:
1) Mas marami kang natututunan.
2) Lumalawak ang iyong bokabularyo.
3) Lumalawak ang iyong imahinasyon.

Dahil sa pagbabasa marami tayong natututunan at nasasagap na kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na sadyang kailangan natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pagbabasa ay napakahalaga sapagkat hinuhubog nito ang ating pagkatao at nakakatulong din ito sa pag-unlad natin bilang isang tao.






Narito ang Link sa libro.


-Jutskie


Linggo, Enero 13, 2013

Wala akong pakialam!


Wala akong pakialam


Our generation is generally more apolitical, agnostic, and, well, apathetic than our parents’. When asked to speak out for or against an issue, we default to ambivalence – because it just seems like a lot less work. This tepidness extends not just to matters of national importance, but also – and, perhaps more so – to the day-to-day minutiae of our lives. We don’t say what we’re thinking because we don’t want to piss anyone off, or worse, get fired. Because I’m not concerned about either of those things, I’d like to take this opportunity to vent on behalf of my peers. After all, generations past spoke out on what they cared about most. But if there’s one thing that today’s youth is passionate about, it’s not caring at all in the first place.



Walang pakialam ang karamihan sa dinonate o fundraiser mo. Magandang adhikain ang charity at hindi sa pagyayabang nagaambag ako taon taon sa sarili kong pamamaraan. Ngunit itong mga nakaraang araw parang napadalas ang imbitasyon ko sa mga fundraiser at rekwes ng tulong sa mga charitable institutions kuno. May nakuha pa nga akong auction invitation fundraising daw sa isang random cause na wala akong interes suportahan. Mahirap lang ako walangya, at marahil hindi lang ako ang nakakaramdam na ayaw nila pumunta. Puwera na lang siguro kung open bar at discounted na inumin ang fundraising project pwede ko sigurong ikonsidera.

"Miss ayos tong fundraiser nyo ah! Isang shot pa nga ng Bourbon, on the rocks!"

Huwag ilagay ang listahan ng paborito mong libro sa "Facebook" mo kung ilalagay mo lang sa listahan ay Harry Potter, Twilight Saga, o Hunger Games. Nabasa ko rin mga yan. Sino ba niloloko mo? Alam naman halos ng lahat na nung nagdaang dekada, marahil yun lang ang mga nabasa mong libro sapagkat sikat. Ito ang masaya dito, target nilang group para sa mga librong ito ay yung mga nasa 8 taong gulang, kakahiya no?


Global Warming, Fuck it. Tama ang narinig ninyo mga katoto, I said it: fuck global warming. Hep hep, bago mag react at murahin ako pabalik intindihin ang dahilan. Naniniwala ako na nangyayari ito at alam kong hindi maganda ang epekto nito. Ayaw ko na lang kasi makakita ng kumpanya, trapo, o artista na binabanggit ito. Kung ang gobyerno ay magpapatupad ng batas upang maibsan ang global warming, ayos para sa akin walang problema. Pero sa ngayon, tama na chechebureche. Awareness ba kamo? Ano gusto mong gawin ko  - magtayo ng compost heap sa kuwarto ko?

"Manood na lang tayo ng Captain Planet!"

For years, I’ve wondered how it’s possible that annoying people who don’t shut the fuck up don’t realize how annoying they are. Naranasan nyo na din ito - na trap sa isang usapan sa isang taong napakabagal pumick up sa pinaka obvious na patutsada na hindi ka interesado sa anumang sinasabi nila at desperado ka nang umalis. Ang mga ganitong tao ay may matinding kapangyarihan na i tilt ang ulo mo patagilid.

Because while you’re standing there listening to them blab on and on you subconsciously cock your head to one side and think to yourself, “Is she fucking serious right now?”


Huwag mo akong padalahan ng online photo albums sa mag event na din naman ako kasama. Wala akong pakialam sa kasal ng kaibigan ng pinsan ng kaklase ng ex mo. Hindi rin ako interesado sa kumpletong detalye ng suot ng mga tao sa event, ano ngayon kung naka victoria's Secret yung Maid of Honor? Purket Jacky Chan tatak ng brip ko ginaganyan mo ako? Kadalasan wala naman talaga sila pakialam kung darating ka. Iniimbita ka lang nila ito upang di sila makunsensya at masabi na "Pare inimbitahan kita ah, bat di ka pumunta?" Ang makulit dito di ka man pumunta i tatag ka pa din sa photo album sabay hihiritan ka na "Ikaw kasi di ka pumunta."

Sa huli, sa tingin ko ang problema ko, at problema ng karamihan sa henerasyon ko ay kawalan ng pasensya. Mabilis ang impormasyon sa panahon ngayon, napakahirap na hindi maging mainipin. Kilala ako na mapagtanong na tao, at kilala din na mabilis mawalan ng interes ilang segundo matapos makuha ang sagot. Minsan, hindi ko nga matapos ang pangungusap ko dahil nakakainip marinig ang sarili hahahaha. Eto ang isa sa tipikal na example ng ganito “So, I went to the store like you suggested and blah, blah, whatever, I gotta go.” Madalas itong mangyari sa aming magkukumpare. Meron pa nga isang beses eh ganito ang istorya - teka, saglit lang. Ay oo nga pala. Wala kang pakialam.



-Jutskie


Nangyari na ba ito sa iyo?


Huwebes, Disyembre 20, 2012

Paano babatiin si X ngayong kapaskuhan?



Right now with it being the festive season – you know the one of goodwill and forgiveness. Okey sige naisip ko lang naman kung ano ba ang katanggap tanggap gawin sa ganitong sitwasyon. Kung putol na ang komunikasyon nyo o kaya naman ay rumerekober ka pa sa inyong break up, matutukso kang subukan siyang kontakin dahil kapag nagawa mo kukumbinsihin ka ng sub-conscious mo na mas tama lang na kinontak mo siya. Maaaring ang usapan ninyo ay kamustahan, o pwede ring mauwi sa pagpapalitan ng plano sa darating na pasko. Darating ang awkward silence, at oo maiisip ng isa sa inyo na nagsisisi sya, gustong pagusapan ang nangyari, gustong magpaliwanag, o kaya ay tanggapin na lang kung ano ang nangyari.

So you send a text… ‘Just wanted to say Merry Christmas. Hope you’re OK. Chat soon?’

Sa loob loob mo "Sana mag reply, sana mag reply...." you’ve probably spent days agonizing over keying in a smattering of words. You’ll probably spend even more time agonizing if you don’t hear back, or you do, but it’s not what you wanted to hear. Maaari din na mag miscol ka tinetesting mo lang kung yun pa din number nya kasi baka unavailable na ung number pero pag narinig mong nag ring ang kabilang linya, automatic na nakaprogram na ang hinlalaki mo na pindutin ang "end call" button o message ng telepono mo.



‘Uhmm…ako to…naisip ko lang mangumusta. Lam mo na…tagal din natin di nakapagusap. Sana okay Christmas/holidays mo…I…I…miss you…’ 

Panigurado ang tono mo eh upbeat para iparamdam sa kanya na okay ka na  Malamang din na uubusin mo ang mga susunod na oras o araw mo kakaisip tungkol sa sinabi mo, pano mo sinabi ito, ano ang naisip niya nung sinabi mo ito, at pagpapantasya sa kung ano ang maaaring mangyari.
Anu man ang mangyari ilan lang naman ito sa mga ehemplo ng maaaring gawin mo para gawing excuse ang pasko para makausap si ex.

Christmas only lasts for a few days or a few weeks if you take into account the festivities, but the repercussions from making contact are likely to last a lot longer.

This will impact on your sense of self and no doubt sour your memories of a time of year that is really for spending around people who actually give a damn about you and are not just out to get what they want whilst detracting from you.

Whew* I'm noseblood.

Lilinawin ko lang din hindi ko kayo sinasabihan na wag na kontakin mga ex nyo kung ano pa man ngayong kapaskuhan inilalarawan ko lang ang mga pwedeng mangyari pero kung cool naman kayo eh gora! Meanwhile heto ang ilan sa mga maaari kong ibigay na tanong na gamitin nyong basehan kung nahihirapan kayong kontakin si ex:

  • Maaaring isipin mo na me pagkabitter na di sya kausapin, The reality is that it’s not mean not to be engaging with someone who doesn’t have your interests at heart.
  • Maiisip mo na dahil pasko, lalabas ang mas magandang ugali niya. Makikita niya ang relasyon ninyong dalawa sa ibang anggulo. "Napakalaking pagkakamali ng pagbe break natin babes!" Oo nga naman me mga himala na nangyayari sa pasko.
  • If someone didn’t act with due love, care, respect, and trust in the relationship, bakit bigla ka mag expect sa kanila na bigla ng ganito? Biglang bumait nung wala na kayo? At ang malupit ay kung kelan pasko? Sabi senyo me himala tuwing pasko.
  • Isipin mo at tanungin ang sarili, mag-iiba ba ang bagay bagay kung sakaling magusap kayo? O umaasa ka na magiiba na walang konkretong basehan?
 Marami tayong matututunan sa karanasan. Maaari mong gawin ang kasabihan "Subukan mo ng malaman mo", subukan mo siyang kontakin, ngunit dapat ay handa ka sa katotohanan at realisasyon na hindi lahat ng inaasahan mo ay matutupad. 



Closing remarks: You may feel you have history with an ex that gives you reason to keep going back, but this doesn’t mean you should repeat history and the quality of the history goes a long way. Use the history of the relationship to draw strength from the fact that you tried, you’ve made a decision and stand by you and be confident in your decision.


-Jutskie