Lunes, Nobyembre 19, 2012

Unacceptable

 Sa wakas!! Dayoff ko na!!







Sabado pa lang pinaplano ko na kung paano reregaluhan ang sarili sa araw ng aking pahinga. Nananakit na ang mga kasukasuan ko at medyo nagmumukang luya na ang paa ko. Pumunta ako sa isang "SPA" na madalas kong makita na nadadaanan ng jeepney kong sinasakyan papasok sa trabaho.

Mukha namang mura at disente ang serbisyo kaya naisipan kong testingin.

Dito ko nakilala ang kaherang sisira ng araw ko dahil maldita, wala akong basehan diyan maliban sa hindi niya sineseryoso ‘yung mga tanong ko tungkol sa presyo at kalidad ng foot spa. Kulang siya sa lambing kung sumagot, akala niya siguro wala akong pambayad kasi hindi ako nakaporma. Para sa akin naman di ko kelangan magpaimpress sa mga taong babayaran ko para serbisyuhan ako.

Pero ok lang wala problema. Pinabayaan ko na lang tutal panget naman siya.

Umupo ako sa sofa at inaliw ang sarili sa pagbabasa ng flyer na binigay sakin nung nagbebenta ng mga "house and lot" sa labas. May katabi akong singkit di ko lang masabi kung Intsik, Koreano, o Hapon.

We will name him Mr. Chow.

Makalipas ang mahigit kumulang tatlumpung minuto. Unti unti na akong ginagapi ng aking antok, nabasa ko na rin lahat ng nakasulat dun sa flyer. Makikinig sna ako ng musika mula sa aking telepono nang biglang kausapin nung kahera si Mr. Chow. Ubos na raw ang pang highlight nila sa buhok.

Ngayon ko naisip na kanina pa si Mr chow dito, actually nauna pa siya sa akin. Mukhang yun lang tlga ang ipinunta dito ni Mr. Chow.

"That's unacceptable."




"I'm sorry?!" sagot nung kahera.

"That's unacceptable." sambit muli ni Mr. Chow.

Hindi ko alam kung tlgang hindi naintindihan ng kahera yung sinabi ni Mr. Chow dahil sa tigas ng accent nito, or tlgang nagbibingibingihan ang bitsesang kahera. Naalala ko tuloy ang katrabaho ko na kapag nakakakita ng Intsik, Koreano, o Hapon ay binabanggit ang pangungusap na ito: "Do you spheak engrissh?" Ganyan katigas accent ni Mr Chow.

Unacceptable daw yung sinabi ng kahera. Hindi katanggap-tanggap na maubusan ng pang highlight ang parlor samantalang thirty minutes ago, may hawak pa raw silang dalawang bote nun.

"You cannot just lose your stocks immediately."

Naisip ko oo nga naman dalawang bote pa pala sino customer nila si Rapunzel?

Nangatwiran ang kahera. Wala na raw talagang stocks at kadalasan, inaabot ng anim na buwan bago sila mag imbentaryo.

"What? You should order stocks when at 3 months you feel like you're running out of stocks. You will be losing customers if this is how you do business."

Hindi mapakali ang mata ko magpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa habang nagsasagutan. May punto si Mr. Chow, ngunit hindi rin naman responsibilidad ng kahera ang pag imbentaryo.

“Someone should be in charge of the orders. How about your boss?”

Naguutos lang daw ang boss nila, baka sisantihin pa daw sila pag sinabi nila ang isyu sa boss na magimbentaryo.

"Wrong wrong wrong. You should have someone to check each product so that you will know when to order more."

Tuloy tuloy ang pagtatalo nilang dalawa. Ilang saglit pa, mukang sumuko na sa inglesan ang kahera, tumingin sa akin, nakangiti at iiling iling, na parang sinasabing: "Tignan mo tong Intsik, Koreano, o Hapon na ito, kabayang pinoy, napaka OA no?"

Akala nya siguro ay ngingiti din ako. Pero walang nagbago sa aking mukha at bumulong lang ng "Meh..."

Makalipas ulit ang ilang sandali, nagsasalita parin si Mr. Chow tungkol sa serbisyo ng SPA sa mga kliyente nila. Naawa ako sa ginoo sapagkat nagsasalita siya ngunit hindi na siya pinapansin ng kahera at iba pang mga kasamahan nito. Parang isang matandang nag uulyanin na nagsasalitang mag-isa si Mr. Chow. Paulit ulit “That’s not how you do business. This is unacceptable."

So ayun tinawag na ako para sa serbisyo ko nagpa foot spa muna ako para di naman mandiri yung magmamasahe sa akin pag nahawakan ang paa ko. Narinig ko si Mr. Chow na me kausap, kasama nya pala. Nuon ko nalaman suki si Mr Chow dito. Naririnig ko na maganda raw magpa highlights dito kaya dito sya lagi pumupunta. Naramdaman ko na bat ganun suki pala pero ganun ang trato.

Naisip ko napaka swerte ng may-ari ng SPA na ito, kasi kahit ugaling iskwater mga empleyado nya nakatsamba pa rin siya ng loyal na kostumer gaya ni Mr. Chow.

Bago umalis si Mr. Chow nagsalita pa ito:

"First time you made me disappointed. Yous should always be ready. Bad service, Bad business."

Halatadong nagpipigil ng pagkagalaiti si Mr. Chow, pero humingi naman ng dispensa ang kahera. Ngumiti na lang si Mr. Chow at iwinasiwas ang kamay na animoy "Whatever.."

Biglang umingay pag alis ni Mr. Chow. Ang OA daw kase mag demand.

"Tinataboy na sya eh manhid ata di makahalata."

“Regular ‘yan eh, nire-reject na nga siya, bumabalik pa rin, ayaw umalis.” ayon sa kahera.

Ngaun lang ako nakarinig ng negosyo na nagtataboy ng regular na kostumer.

Pero ang akin kung ayaw nilang bigyan ng serbisyo bakit di na lang nila sinabi ng harapan para di na nag antay ang matanda. Maaaring hindi marunong bumasa ng kapalastikan si Mr. Chow. Kasi naman yun pala saloobin nila, nakangiti sila ngunit minumura na pala nila sa isip ang matanda.

"Madami namang parlo jan sa iba sana dun na lang siya." Sambit ng isa pang empleyado.

Sobrang busy sila sa pagisip ng mga bagay bagay upang siraan ang kanilang kostumer na si Mr. Chow, hindi tuloy nila namamalayan na ganito ang itsura ko habang nakikinig sa kanila dahil me maisusulat na naman ako sa blog ko.


-Jutskie

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento