Mas mabagal ang takbo ng panahon, hindi kagaya ngayon na halos lahat ng tao ay nagmamadali sa landas na hindi sigurado ang patutunguhan. Ito ang alaala ng aking kabataan, maaaring boring din sapagkat wala pang Internet, iPhone, Facebook, at cable TV.
Narito ang listahan sa mangilan ngilang bagay na makapagpapaalala sa atin sa dekada otsenta, mas marami pang bagay na hindi ko maililimbag at baka may pagkabiased ang ililista ko sapagkat gagawin kong batayan ang memorya ng aking pagkabata.
Hawflakes
Di ko na maalala kung anong brand name nung ganito sa atin nuon pero isa ito sa mahilig kong papakin kapag meryenda na.
Jolens
Maaaring isa sa pinakasikat na laruan nuon, Ang holen ay isang laro kung saan masusukat ang abilidad at accuracy ng naglalaro nito. Pangkaraniwan na laro nito ay Tantsing, kung saan nakalagay ang mga taya na holen sa isang bilog at titirahin gamit ng pamatong holen ang nasa loob ng bilog. Ang lahat ng lumabas na holen ay makakabig ng tumira.
Game & Watch
Isa sa mga sikat na libangan nuon, astig ka pag meron ka nito pag lonely ka ilabas mo lang ganito mo surebol dudumugin ka ng mga kalaro mo. Para sa mga can't afford naman carry lang dahil me ganito sa labas ng paaralan kung saan nakatali sa de tulak na kariton at pinapaarkilahan ng piso hanggang sa ma game over ka.
Clay
Oo tama maaaring naituro sa HEKASI na ang clay o luwad ay isang uri ng lupa, ngunit ito ang clay na ating pinaglalaruan. Nagdadahilan pa tayo ke ermat na gagamitin sa art project kaya nagpapabili tayo nito.WWF
Pag gabi ng miyerkules di ko na maalala ang time slot. Epikong labanan, tagisan ng galing, at banggaan ng namamawis na kalamnan. Ito ang panahon na pag sinabing WWF sina Hulk Hogan, Andre the Giant, Ultimate Warrior, Jake the Snake, at iba pa ang papasok sa isip mo at hindi isang logo na may Panda. Maaaring hindi lang ako ngunit marami sa atin ang nangarap na makasali sa WWF nung bata pa tayo.
Ultraman
Si Ultraman! isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ko mag pang umaga nuon ay upang mapanood si Ultraman tuwing hapon. Tama malamang naranasan mo na rin na parang maihi habang may kalaban si Ultraman at tumutunog na yung pulang ilaw sa kanyang dibdib, at akmang sasabihin na "Bilisan mo Ultraman talunin mo na!!!". Todo effort din sa costume ng kalaban. Ginagaya ko ang labanan nito sa aking kama gamit ang hotdog na unan dahil parang ganun ang kilos ng kalaban ni Ultraman. Mga higanteng dragon na parang unan sa lambot ang mga parte ng katawan.
Casio watch
Ito ang katumbas ng iPhone 5 sa panahon ngayon. Pag elementary ka at meron ka nito astig ka. Meron din itong built in na stop watch timer. Astig!
Fido Dido
Mascot ng 7up. Sumikat si Fido Dido ng late 80's. Sa sobrang sikat me T- Shirt, Bag, posters, at iba pa ang may tatak ng character na ito. Nagkaroon din ng pelikula na ripoff nito, starring Rene Requestas at Kris Aquino.
Multi - Purpose Pencilcase
Ang swiss knife version ng pencilcase. may mga pindutan ito na may ibat ibang gamit. Atat na ata ka pumasok sa school upang ipagyabang sa kaklase mo pag nabilhan ka ng nanay mo nito.
Sipa
Crayola
Meron pa rin naman nito ngayon, pero mas astig pag elementary ka at meron kang Crayola 64. Me pantasa pa ng crayola yan sa likod. Dukha ako nuon kaya hanggang crayola 8 lang ako kung saan kasali lang ang primary colors.
Actually mukang masaya ang issue na ito kaya maghahanap pa ko ng mga nostalgic stuff from the 80's.
-Jutskie