Wala akong pakialam
Our generation is generally more apolitical, agnostic, and, well, apathetic than our parents’. When asked to speak out for or against an issue, we default to ambivalence – because it just seems like a lot less work. This tepidness extends not just to matters of national importance, but also – and, perhaps more so – to the day-to-day minutiae of our lives. We don’t say what we’re thinking because we don’t want to piss anyone off, or worse, get fired. Because I’m not concerned about either of those things, I’d like to take this opportunity to vent on behalf of my peers. After all, generations past spoke out on what they cared about most. But if there’s one thing that today’s youth is passionate about, it’s not caring at all in the first place.
Walang pakialam ang karamihan sa dinonate o fundraiser mo. Magandang adhikain ang charity at hindi sa pagyayabang nagaambag ako taon taon sa sarili kong pamamaraan. Ngunit itong mga nakaraang araw parang napadalas ang imbitasyon ko sa mga fundraiser at rekwes ng tulong sa mga charitable institutions kuno. May nakuha pa nga akong auction invitation fundraising daw sa isang random cause na wala akong interes suportahan. Mahirap lang ako walangya, at marahil hindi lang ako ang nakakaramdam na ayaw nila pumunta. Puwera na lang siguro kung open bar at discounted na inumin ang fundraising project pwede ko sigurong ikonsidera.
"Miss ayos tong fundraiser nyo ah! Isang shot pa nga ng Bourbon, on the rocks!"
Huwag ilagay ang listahan ng paborito mong libro sa "Facebook" mo kung ilalagay mo lang sa listahan ay Harry Potter, Twilight Saga, o Hunger Games. Nabasa ko rin mga yan. Sino ba niloloko mo? Alam naman halos ng lahat na nung nagdaang dekada, marahil yun lang ang mga nabasa mong libro sapagkat sikat. Ito ang masaya dito, target nilang group para sa mga librong ito ay yung mga nasa 8 taong gulang, kakahiya no?
Global Warming, Fuck it. Tama ang narinig ninyo mga katoto, I said it: fuck global warming. Hep hep, bago mag react at murahin ako pabalik intindihin ang dahilan. Naniniwala ako na nangyayari ito at alam kong hindi maganda ang epekto nito. Ayaw ko na lang kasi makakita ng kumpanya, trapo, o artista na binabanggit ito. Kung ang gobyerno ay magpapatupad ng batas upang maibsan ang global warming, ayos para sa akin walang problema. Pero sa ngayon, tama na chechebureche. Awareness ba kamo? Ano gusto mong gawin ko - magtayo ng compost heap sa kuwarto ko?
"Manood na lang tayo ng Captain Planet!"
For years, I’ve wondered how it’s possible that annoying people who don’t shut the fuck up don’t realize how annoying they are. Naranasan nyo na din ito - na trap sa isang usapan sa isang taong napakabagal pumick up sa pinaka obvious na patutsada na hindi ka interesado sa anumang sinasabi nila at desperado ka nang umalis. Ang mga ganitong tao ay may matinding kapangyarihan na i tilt ang ulo mo patagilid.
Because while you’re standing there listening to them blab on and on you subconsciously cock your head to one side and think to yourself, “Is she fucking serious right now?”
Huwag mo akong padalahan ng online photo albums sa mag event na din naman ako kasama. Wala akong pakialam sa kasal ng kaibigan ng pinsan ng kaklase ng ex mo. Hindi rin ako interesado sa kumpletong detalye ng suot ng mga tao sa event, ano ngayon kung naka victoria's Secret yung Maid of Honor? Purket Jacky Chan tatak ng brip ko ginaganyan mo ako? Kadalasan wala naman talaga sila pakialam kung darating ka. Iniimbita ka lang nila ito upang di sila makunsensya at masabi na "Pare inimbitahan kita ah, bat di ka pumunta?" Ang makulit dito di ka man pumunta i tatag ka pa din sa photo album sabay hihiritan ka na "Ikaw kasi di ka pumunta."
Sa huli, sa tingin ko ang problema ko, at problema ng karamihan sa henerasyon ko ay kawalan ng pasensya. Mabilis ang impormasyon sa panahon ngayon, napakahirap na hindi maging mainipin. Kilala ako na mapagtanong na tao, at kilala din na mabilis mawalan ng interes ilang segundo matapos makuha ang sagot. Minsan, hindi ko nga matapos ang pangungusap ko dahil nakakainip marinig ang sarili hahahaha. Eto ang isa sa tipikal na example ng ganito “So, I went to the store like you suggested and blah, blah, whatever, I gotta go.” Madalas itong mangyari sa aming magkukumpare. Meron pa nga isang beses eh ganito ang istorya - teka, saglit lang. Ay oo nga pala. Wala kang pakialam.
-Jutskie
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento