Hindi madaling punuan ang inaasahan ng ibang tao sa iyo. Madalas na ang mga tao sa paligid mo ay nagbibigay ng "payo" o "guidance" na kanilang hiniling na sana ay mayroon sila nuong mga panahong kailangan nila ito sa isang parte ng buhay nila. Maaaring ito ang paraan nila upang maprotektahan ka o kung anong rason pa man. Ang hindi nila naiintindihan ay masyadong iba ang karanasan mo sa buhay sa kanila kung kaya't kadalasan ang mga payo at karanasan nila ay hindi mo naiintindihan o hindi ka makarelate kumbaga. Maaaring pamilyar sa iyo ang mga linyang ito:
"Ganito dapat ang ginagawa mo", "You shouldn't feel that way", o kaya eh "Nung kasing edad kita eh ganito ____."
Sa mga ganitong pagkakataon, ang magagawa mo na lang ay magtiwala sa iyong sarili at makinig. Ayos lang naman at tama na ikaw ang may karapatan upang ingatan ang iyong sarili, bukod duon ikaw lang ang makakapagdesisyon kung ano talaga ang nararamdaman mo sa isang bagay. Katulad mo din, hindi o puwedeng pangunahan ang ibang tao kung ano dapat ang maramdaman nila in a certain way of life, and they cannot tell you how you should feel about yours.
Kung me taong malapit sa iyo na sinasabihan ka kung ano dapat ang maramdaman mo sa bagay bagay na hindi naman sila involved, kawawa ka naman hahahaha nakaka relate ako sigurado ako it sure is very frustrating. Kung ang nararamdaman mo ay preposterous at illogical sa taong ito, tandaan mo na hindi mo kailangan i-justify ang nararamdaman mo o papaniwalain sila na tama sila. Ang mga emosyon ng taong ito sa parehong sitwasyon ay hindi pareho sa iyo, katulad ng sugat at peklat nila, hindi ito pareho sa iyo. Pwede mo ipaliwanag sa kanila ang mga rason kung gusto mo, ngunit muling tandaan na hindi mo responsibilidad na iparamdam sa kanila na nagkakasundo kayo o pareho kayo ng nararamdaman. Makinig sa iyong sarili. Your gut will know what is best for you. That's the only answer you ever need, regardless of what others want you to want.
“Be careful whose advice you buy, but be patient with those who supply it. Advice is a form of nostalgia.”
― Mary Schmich
Ayun matagal akong di nakapagsulat, medyo busy kasi nitong mga nakaraang buwan and hopefully sana gumana na ulit juices ng utak ko upang makapagisip ng mga bagay bagay na tatalakayin hehehe.
-Jutskie
Lul!
TumugonBurahin