Hindi naman lahat tayo magaling sa math. Siguro marami ang may alam dyan pero iilan lang ang mga pinagpala maging magaling sa asignaturang nabanggit.
Kung matematika lang naman ang usapan ay naku magagaling dyan ang mga tsuper! May iba pa nga na marunong magkalkula ng presyo sa bawat kilometro na ilampas mo sa unang apat na kilometro kahit na nakasulat pa ito sa inilaladlad nilang taripa sa loob ng jeepney (metric system). May iba naman na isang tingin lang sa loob ng jeepney eh alam na agad nila kung ilan pa ang kulang (estimate). Magaling din sila sa "Business Strategy" halimbawa nito ay ang pagsasabi ng "Aalis na aalis na" kahit dadalawa pa lang kayong pasahero sa loob ng jeepney. Alam nyo naman parte na yan ng mga buhay nila. Di ka masasabing isang tsuper kung mahina ka dyan dahil kung hinde madali kang malugi o pagsigawan ng mga pasahero mo na “Manong kulang ang sukli ko!”
Ngunit sadya lang ba na may mga ibang tsuper na nanlalamang o nanggugulang ng mga kapwa nila para lang maaga makaboundary at makauwi sa pamilya o makipag siyestahan sa mga kapwa drayber upang makapaginuman dahil sobra pa ang kinita? Yung tipong sinigaw mo nang estudyante ka pero pagbalik ng sukli mo sayo ay otso pa rin ang binawas sa binigay mo imbes na syete lang o kaya naman ay sasabihin mong "Jan lang ako sa kanto..." ngunit sobra ang sisingilin sa iyo at makikipagtalo ka pa na "Otso lang ang binabayad ko dito araw araw ako dumadaam dito!"
Masakit yun sa kalooban, lalo na kung piso na lang di pa naibalik ng maayos. Ang mahirap pa nun isisigaw mo na “Boss kulang ng piso!” tapos pagtitinginan ka ng mga pasahero na parang tingin sayo “Para piso lang eh kung makapag react naman?” Minsan naman ibabalik ang kulang ngunit bubulong bulong pa si manong tsuper. So ayun sino ba talaga ang may kasalanan sa aming dalawa? Ako ba o yung drayber? Kaya ayun mapipilitan ka na lang manahimik at mumurahin mo na lang sa isip ang pilyong drayber.“Sana gamitin nya yung piso ko sa mabuti” kung medyo matindi ang pag-iisip mo “Sana ikayaman nya yung piso ko!”
Kadalasan pa, sa mga patok na jeep eto madalas mangyari dahil sa lakas ng tugtog nila ay magdadalawampung isip ka muna kung paano mo sasabihin sa drayber na kulang yung sukli nya lalo na kung nasa bandang dulo ka pa. Aabang ka pa ng may bababa o yung parte ng kanta na mahina o tahimik para makasingit ka para marinig lang ng drayber ang sasabihin mo. Wag nyo na itanggi. Nangyari na ito sa inyo.
Kaya tayo kung titignan natin ang drayber at ito ay payat, nanghihina, puyat, luwa ang mata at uubo ubo. Naku, ipaubaya na natin yung piso dahil hindi naman natin yung ikayayaman hayaan na lang natin, bilang tulong na rin PERO kung ang drayber ay jeproks, matipuno, malakas pa, mataba ay naku gamitin ang mga bibig at lakas ng loob dahil bawat piso mahalaga lalo na sa ating mga komyuters at hindi mabubuo ang isang milyon kung kulang ng piso!
-Jutskie
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento