Linggo, Setyembre 23, 2012

NO CP IN CR

Isa ito sa mga araw kung saan mali ang halos lahat ng bagay. Trapik, naglolokong kompyuter, walang delikadesang mga katarabaho at nanakit na leeg upang ako ay maaburido sa araw na ito. Pero ang pinakamahalaga ay halos apatnaput walong oras na simula ng huli akong magbawas. Sinubukan kong kumain ng isang mangkok ng "Fiber rich cereal" sa aking agahan, mangilan ngilang tasa ng kape sa opisina at isang tanghalian na sasapat bumusog ng dalawang teenager. Natapos ang araw at ako ay pauwi na, naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan na animoy may nangyayaring "nuclear fusion", dagdag pa rito ang manaka nakang pagutot na aking ikinatakot na baka may kasama na itong katas. Nakakalungkot pa ay may kailangan akong daanan at bilihin sa isang mall. Natapos ko naman ng maayos ang aking layunin sa mall ng mapansin ko ang isang plakard na may nakasulat na "Everything must go!". Ito ay isang propesiya, dahil pinaalala sa akin ng aking sikmura na dapat na kaming magtuos. Palatandaan nito ang utot na ang tunog ay kahalintulad ng sando na pinupunit ni Hulk Hogan. Nagmamadali akong pumunta sa kasilyas ng mall at sinurvey kung alin sa apat na "cubicle" ang maaari kong gamitin upang isakatuparan ang aking balak.

Pinangalanan ko ng 1-5 ang mga cubicle upang mas madali natin silang ma track.

1.) May Tao

2.) Malinis ngunit may Plakard na di pwedeng gamitin.

3.) May kapansin pansing brown residue sa upuan.

4.) May tissue at ebs sa inidoro

5.) Sira ang upuan me kahinahinalang malagkit na bagay sa upuan.

Obvious naman, pinili ko si number 2. Hindi ako komportable na me tao sa katabi kong cubicle ngunit wala akong mapagpipilian pang iba.

Nagsisimula na akong gawin ang aking balak ng marinig ko ang "Fur Elise" na obra ni Luwdig Van Beethoven. Ito ang ringtone ng cellphone ng katabi ko. Pangkaraniwan na ang boses ng isang tao ay mas malakas ng 8 decibels kumpara sa pangkaraniwan kapag ito ay nagsasalita sa cellphone. Nailang tuloy ako sapagkat alam kong malakas na tunog ang magiging resulta ng di namin pagkakasundo ng aking sikmura at alam kong maririnig ito sa cellphone ng katabi ko. Inaantay kong matapos siya sa telepono ngunit bawat bagay ay may hangganan. Dumating ako sa punto na nanaig ang galit ng sikmura kesa kahihiyan. Wala na akong pakialam, bumwelo ako at nilagay ang magkabilang kamay sa magkabilang pader at umire ng todo. Biniyayaan ako ng isang utot na ang tunog ay mala epiko ang magnitude --kasing tunog ng isang kumot na unti unting pinupunit o plywood na pinupunit mula sa isang pader. Unti unting huminahon ang tunog at nararamdaman kong tumitigil na din sa pag vibrate ang pisngi ng aking mga wetpaks.Tatlong bagay ang naging kapansin pansin matapos ang pangyayaring ito. 1.) Natigil ang usapan sa kabilang cubicle. 2.) Ang sikmura ko naman ngayon ang nag vibrate. 3.) Nakakasulasok ang amoy sa CR na para bang ang pintuan ng impyerno ay nabuksan. Narinig ko ang aking katabi na naubo animoy may sumasakal sa kanya na di nakikitang elemento. "Anu ba yan!" kanyang nasabi na animoy hinahabol ang hininga. "Babes di ako yun..(ubo..ubo), narinig mo yun? (ubo..ubo)."  Tuloy tuloy pa din ang pagpapakawala ko ng nuclear waste. Iba-iba ang variety nila may basa, squirt, tubol, at mangilangilan na may kasama pang tunog. Narinig ko ang katabi ko na halos humahangos na as if nagmamadali ng makaalis sa mala Chernobyll na lugar na yaon. "Grabe... *ubo..kakasuka.. pauwi na ko.." kasunod nuon ay ang mga tunog ng isang taong pinipigil masuka. May narinig din akong tunog ng "splash" at kasunod nuon ay pagmumura na mismong si hitler ay mahihiya pag narinig nya. Naisip ko na napakahirap humawak ng telepono habang nagpupunas ka ng wetpaks habang pinipigil mo ang suka mo. Nalaglag ang cellphone nya sa inidoro KAPUT! Kasunod nuon ay nakabibinging katahimikan. Naiimagine ko sa isip ko ang ginagawa ng katabi ko. Nakatingin sa inidoro iniisip niya kung ano ang kaniyang gagawin. Naglabas na naman ako ng bio-chemical weapon na may kasamang tunog. Mukhang napuno na ang salop, narinig ko ang flush, paguunlock ng pinto at padabog na pagsasara nito. Makaraan ang ilang minuto natapos din ang nakatadhanang labanan ng kasamaan at kabutihan muling naghari ang kapayapaan sa aking sikmura. Tinignan ko ang inidoro, napailing ako at naawa sa janitor na maglilinis nito hindi kakayanin ng flush ang duming ito. Naisip ko din na kung me isip ang inidoro malamang minumura na ako at sinasabing..."Why? What did i do to deserve this?!" Paalis na ako ng maisip kong silipin ang katabi kong cubicle. Wala ng laman ang inidoro. Naisip ko kinuha nya kaya yung cellphone nya? Isa na namang tanong na walang kasagutan ang nadagdag sa aking buhay. Lumabas ako ng CR nakikiramdam kung may tumitingin ng masama sa akin (Baka kasi andun pa ung katabi ko kanina at inaabangan akong lumabas). Malamang isa lang ito sa mga dahilan kung bakit hindi dapat gamitin ang cellphone sa public CR.

-Jutskie

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento