Linggo, Setyembre 16, 2012

MSPP

Monumental Stupidity in Public Places

Ilang beses ng nangyari sa inyo na me umutot habang kayo ay nasa elevator? LRT? Eh yung nakasakay ka sa pataas na escalator at yung nasa unahan mo ay napakalikot? Ilan lang yan sa mga nakakairitang bagay na maaari mong maranasan sa mga pampublikong lugar. Narito ang apat na pampublikong lugar kung saan madalas magpahayblad sa atin ang mga walang pakundangang gawain ng iba. (Lima dapat kaso nabanggit ko na yung elevator at sa LRT :p)



4.) Parking Lot - Ang parte dito na nakakairita ay pag aalis ka na sa parking space mo at may nakabuntot agad na sasakyan na gustong pumalit sa iyong iiwanang espasyo. Wala akong sasakyan ngunit tunay na nakakairita ang gayon na tila atat na atat o kaya ay kinukunsensya ka na bilisan mo kumilos. Ang tendency sasabihan ko ang may arin ng kotse na tagalan pa lalo ang paglabas sa parking space.



3.) Kasilyas - Nasubukan mo na bang tumae sa public cr? bukod diyan may iba pang naglalagay ng tisyu sa upuan ng inidoro para "hygienic" kuno pero pagkatapos ay hindi naman aalisin ang mga tisyu at hindi ipa-flush ang inidoro. May iba naman na sadyang baluga lang talaga sa mga lalaki kung saan sadyang iihian ang upuan ng inidoro. Noice! Tama na yang part na yan di pa ako nag aalmusal.




2.) Sinehan - Mahilig ako manuod ng pelikula sa pinilakang tabing. Naranasan nyo na ba na habang kasarapan ng panonood eh gumagalaw ang sandalan ng upuan ninyo? Yan ang gawain ng ibang balasubas kung saan ginagawa nilang foot rest ang sandalan ng upuan sa harap nila. Eh yung me naririnig kang kakaibang ingay? Yung tipong maski di naman x-rated ang palabas eh me naririnig kang tounge to tounge action sounds? Ginagawa ko yun pero patago naman at hindi garapalan dun kayo pumwesto sa dulo sa pinakataas.



1). Bangketa o Sidewalk - Ito ang numero uno sa akin. Kahit araw araw ko nararanasan ang nakakabwisit na bagay dito, kahapon ang halos manapak na ako ng tao. Di kaila na maulan nitong nagdaang linggo. Galing ako sa ospital upang magpa tsek up at pauwi na ng bumuhos ang malakas na ulan. Binaha ang kalsada kaya sa bangketa ako dumaan paghina ng ulan. Maluwag ang bangketa ng maaninag ko sa unahan ko ang isang magnobyo na nakapayong sa gitna ng bangketa. Animoy namamasyal sa luneta. Unti unting lumakas muli ang ulan at sinubukan kong sumingit ngunit wala silang pakialam. Sinabi ko "Ekskyusmi.." tinignan ako ng babae tapos bumulong sa nobyo na animoy wala lang, parang sinasabing kung gusto kong mauna eh bumaba ako dun sa binahang kalsada. Duon ako nainis at sinabi kong "Baka gusto nyong magpadaan?! Hindi sa inyo tong bangketa!" Ayun mahaba na ang istorya ko pero alam ko alam nyo ibig kong sabihin. Ito yung mga taong dalawa o higit pa sa isang bangketa na naka "Horizontal Form" kung saan wala kang magagawa upang unahan sila dahil makakapal ang mukha nila. Isa pa rito ay ang mga obvious naman na nagtitinda sa bangketa na bawal naman talaga dapat pero mas nabubwisit ako dun sa unang nabanggit kaya di ko na muna papakialaman yung mga naghahanapbuhay.


Kung tutuusin marami pang ibang dapat banggitin. Isaisip lang natin lagi ang damdamin ng iba kapag tayo ay nasa pampublikong lugar upang hindi tayo makapang istorbo o makaperwisyo. Ikaw din di mo masabi baka dumating ang panahon na matae ka ngunit public cr lang ang pinaka malapit......


-Jutskie

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento