Huwebes, Disyembre 20, 2012

Paano babatiin si X ngayong kapaskuhan?



Right now with it being the festive season – you know the one of goodwill and forgiveness. Okey sige naisip ko lang naman kung ano ba ang katanggap tanggap gawin sa ganitong sitwasyon. Kung putol na ang komunikasyon nyo o kaya naman ay rumerekober ka pa sa inyong break up, matutukso kang subukan siyang kontakin dahil kapag nagawa mo kukumbinsihin ka ng sub-conscious mo na mas tama lang na kinontak mo siya. Maaaring ang usapan ninyo ay kamustahan, o pwede ring mauwi sa pagpapalitan ng plano sa darating na pasko. Darating ang awkward silence, at oo maiisip ng isa sa inyo na nagsisisi sya, gustong pagusapan ang nangyari, gustong magpaliwanag, o kaya ay tanggapin na lang kung ano ang nangyari.

So you send a text… ‘Just wanted to say Merry Christmas. Hope you’re OK. Chat soon?’

Sa loob loob mo "Sana mag reply, sana mag reply...." you’ve probably spent days agonizing over keying in a smattering of words. You’ll probably spend even more time agonizing if you don’t hear back, or you do, but it’s not what you wanted to hear. Maaari din na mag miscol ka tinetesting mo lang kung yun pa din number nya kasi baka unavailable na ung number pero pag narinig mong nag ring ang kabilang linya, automatic na nakaprogram na ang hinlalaki mo na pindutin ang "end call" button o message ng telepono mo.



‘Uhmm…ako to…naisip ko lang mangumusta. Lam mo na…tagal din natin di nakapagusap. Sana okay Christmas/holidays mo…I…I…miss you…’ 

Panigurado ang tono mo eh upbeat para iparamdam sa kanya na okay ka na  Malamang din na uubusin mo ang mga susunod na oras o araw mo kakaisip tungkol sa sinabi mo, pano mo sinabi ito, ano ang naisip niya nung sinabi mo ito, at pagpapantasya sa kung ano ang maaaring mangyari.
Anu man ang mangyari ilan lang naman ito sa mga ehemplo ng maaaring gawin mo para gawing excuse ang pasko para makausap si ex.

Christmas only lasts for a few days or a few weeks if you take into account the festivities, but the repercussions from making contact are likely to last a lot longer.

This will impact on your sense of self and no doubt sour your memories of a time of year that is really for spending around people who actually give a damn about you and are not just out to get what they want whilst detracting from you.

Whew* I'm noseblood.

Lilinawin ko lang din hindi ko kayo sinasabihan na wag na kontakin mga ex nyo kung ano pa man ngayong kapaskuhan inilalarawan ko lang ang mga pwedeng mangyari pero kung cool naman kayo eh gora! Meanwhile heto ang ilan sa mga maaari kong ibigay na tanong na gamitin nyong basehan kung nahihirapan kayong kontakin si ex:

  • Maaaring isipin mo na me pagkabitter na di sya kausapin, The reality is that it’s not mean not to be engaging with someone who doesn’t have your interests at heart.
  • Maiisip mo na dahil pasko, lalabas ang mas magandang ugali niya. Makikita niya ang relasyon ninyong dalawa sa ibang anggulo. "Napakalaking pagkakamali ng pagbe break natin babes!" Oo nga naman me mga himala na nangyayari sa pasko.
  • If someone didn’t act with due love, care, respect, and trust in the relationship, bakit bigla ka mag expect sa kanila na bigla ng ganito? Biglang bumait nung wala na kayo? At ang malupit ay kung kelan pasko? Sabi senyo me himala tuwing pasko.
  • Isipin mo at tanungin ang sarili, mag-iiba ba ang bagay bagay kung sakaling magusap kayo? O umaasa ka na magiiba na walang konkretong basehan?
 Marami tayong matututunan sa karanasan. Maaari mong gawin ang kasabihan "Subukan mo ng malaman mo", subukan mo siyang kontakin, ngunit dapat ay handa ka sa katotohanan at realisasyon na hindi lahat ng inaasahan mo ay matutupad. 



Closing remarks: You may feel you have history with an ex that gives you reason to keep going back, but this doesn’t mean you should repeat history and the quality of the history goes a long way. Use the history of the relationship to draw strength from the fact that you tried, you’ve made a decision and stand by you and be confident in your decision.


-Jutskie

Lunes, Disyembre 17, 2012

You are "Unique", just like everybody else...



Sa ating buhay, may mga taong ating nakakasalubong ng landas upang ipalasap sa atin ang Pagmamahal. Maaaring mapapadaan lamang sila, mananatili depende sa inyong "License Agreement", mayroong dadaan upang tikman ka lang, at mayroong hihintuan ka para saktan at lokohin. Tipong nag titrip lang or pandagdag koleksyon. Hindi ko alam ngunit maaaring upang mapatunayan nya lang na kaya ka niyang mahuli at mapaglaruan upang mapabilang sa kanyang mga tropeo. Well, gaano man katagal o kabilis, memorable man o mahapdi ang kahinatnan, darating ang panahon na kailangan na nating mag move-on.


*Di ko maisip kung bakit nagkalayo. Mahal kita ngunit mahal mo siya. Ang hinihiling ko lamang, mahalin ka niya.


Napakahirap kasing lumaki kasama ang lola na madalas manood ng mga telenovela, palabasa ng mga pocketbooks usually tungkol sa isang katulong na umibig sa kanyang senyorito, at mga pelikula kung saan ang bida ay niloko at pinagpalit sa iba ngunit sa bandang huli ay yumaman at naghiganti sa mga nangapi sa kanya. Ayon nga sa sinabi ni KC sa isang pelikula, "Love is not like in movies at all." Hindi parating puro butterflies and jellynuts ang pag-ibig. May mga relasyong tumatagal ng ilang taon at ang iba naman ay nauuwi sa simbahan, Ngunit hindi lahat ay successful. Ayon nga sa una kong nabanggit depende sa inyong "License Agreement" kung ito ay magiging successful o hindi. May iba rin na halos dito na lang umiikot ang kanilang buhay, ngunit sino nga ba tayo upang kutyain ang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng pag-ibig? Ito ang mga taong:

1. Tinitipid ang pambili ng necessities upang me pangdate at pangregalo sa anniversary, monthsary, at daysary.

2. Hindi na makatulog.

3. Hindi makakain.

4. Tigyawat sa ilong dumadami.

O? Napakanta ka ba? Ang saya di ba? Ang masakit lang, bigla ka na lang iiwan. Pinagsawaan ka na eh. Damaged Goods kumbaga.


Ito na ang kalbaryo, araw-araw na pagiyak, pagmumukmok, at pagbibitaw ng mga salita na mala propesiya ang tunog. Madalas na walang ligo, puro tulog, panay ang sisi sa kanya kung bakit ka iniwan, at panay din ang isip kung bakit ka iniwan. Sa huli ikaw rin ang kawawa dahil nagmumuka ka ng balyena kakakain mo ng "comfort foods" mo. Kung mahal ka talaga nyan, hindi ka iiwan nyan kahit na mukha ka pang paa.

So ayun narito ang ilan sa sibilisadong paraan bukod sa paglaslas ng gilette, pag inquire sa merkado ng mga baril sa danao:

1. Umiyak ka. Oo tama umiyak ka wala naman masama. Pero kung iiyak ka sa publiko ay siguraduhing nanonood ka ng malungkot na pelikula upang hindi ka mapagkamalang aning- aning.

2. Kumanta. You heard me, let your inner DIVA help you! Mga  maimumungkahing titulo ay:
  •  Hard Habit to break - Chicago
  •  Hiding Inside Myself - Kenny Rankin
  •  I wont hold you back - Toto
  •  Babalon AD - Cradle of Filth
  • Melissa - Mercyful Fate


3. Accept certain inalienable truths. It's over. Naghiwalay kayo dahil wala na talaga. Wag nang magpumilit. Wag na rin umasa na magiging friends with benefits kayo in the future.

4. Makipagusap sa mga kaibigan at kapamilya. Kahit pa alam mo nang sasabihin nila na "You deserve someone better.", "There's more fish in the sea.", "No ID No Entry." atbp.

5. Maglaro ng Online Games. Yung mga larong pinagaawayan nyo dati like Dota, Ragnarok, etc.

6. Ilayo sa paningin lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya. Sabi ng iba dapat daw ipamigay o itapon ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya, ngunit depende siguro sa tao yan sa akin itinabi ko lang. Hindi mo kasi maikakaila na pagdating ng panahon isa siya sa mga humubog kung sino ka.

Mahirap talaga mag move-on. Pero hindi hihinto ang mundo para sa iyo, hindi ka espesyal. Mahirap ngunit kayang gawin. Isipin mo na lang nabuhay ka ng maraming taon nung hindi mo pa siya kilala.


-Jutskie

Huwebes, Nobyembre 22, 2012

DRAMA QUEEN!!!


NAGING paborito ko na ang kape sa umaga. Maliit pa lamang ako, kape lang ang pwede kong timplahin sa kusina. Malimit kasi ang ina ko sa pagbili ng gatas. Dahil sa mahal daw ang gatas at dagdag gastos din lang sa pangaraw-araw na budget.

Mahirap lang kasi kami. Isang pamilya na Payak lang ang pamumuhay. Eksakto lang na makakain ng tatlong beses sa isang araw, swerte na pag may meryenda. At tamang-tama lang din ang kinikita ng aking ama. Sapat lang na maipag-aral, mabihisan, at mapakain kami at ng aking ina.

Dalawa lang kaming magkapatid. Parehong lalake, ako ang panganay.

Sa edad na 7, tumutulong na ako sa gawaing pambahay. Lalong-lalo na ang paghahanda ng agahan sa araw-araw. Maaga akong gumigising nong grade one pa lang ako. Bago ako maliligo sa batalan dala dala ang labakara at sabon, sinsaing ko muna ang bigas at inihahanda ang ulam na maging pares nito upang baunin ko. Madalas akong humahangos upang makasabay sa pagpasok ang aking Ina. Pag hindi ako nakasabay halos apat na kilometro ang lalakarin ko para makarating sa aming paaralan.

Kadalasay, naiingit ako sa mga kamagaral ko noon sa grade one. Maiingay at nagliksihang nag-uunahan sa Canteen sa tuwing tumutunog na ang bell pag Recess. Ngunit para akong isang pulubing bata na hinihantay ang mga alok nila para makapag-snack. Dinadaan ko na lang sa iyak ang inggit ko sa kanila. Ang baon ko ay sapat lang para sa pananghalian. Isang umaga, napansin akong umiiyak ng adviser ko, at binigyan nya na lang ako ng pandesal na may palamang "Maling", magmula nuon nahumaling na ako sa Maling at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangalan ng butihing guro na si "Mrs. Ramos".

Masaya naman ang elementary days ko. Madalas akong makatuntong ng stage sa tuwing graduation day. Hindi man ako First Honor ay pumapasok ako sa Top Ten. Hindi maiwasan mapaaway sa mga kapwa bata, madalas naipapatawag ang aking mga magulang. Consistent honor student naman ako ngunit kapag ipinatawag ang aking magulang siguradong magtutuos kami ng sinturon ng aking ama. Dumating din ang mga panahon na nalungkot ako dahil nailipat ako sa huling section at hindi na rin nabigyan ng honor.

Pinakamasarap ang kape para sa akin. At naging espesyal na inumin din ito para sa akin. Ito na rin ang naging dahilan kung bakit hindi ako mahilig sa gatas. Nasusuka ako dito. Karamay ko ang kape sa tuwing malungkot ako. Sa tuwing nagugutum at walang makakain. At lalong-lalo na sa tuwing may problema ako. Naging close friend ko ang kape. Napaka-loyal ako dito. Agahan, tanghalian, at hapunan, siya ang palagi kong kausap at kasama. Para na rin kaming magkakapatid. Medyo maitim kasi ako. Hindi ko man lang sya maiwan-iwan. Hanggang pa rin sa ngayon, parating may laman ang garapon ko ng kape. Dahil sa anumang oras, andyan siya para sa akin. Hindi sya nang-iiwan at handa siyang dumamay sa akin.

Subukan nyong tikman at mahalin ang kape. Sigurado akong magiging masaya, malakas, at puno ng purong pagmamahal ang buhay mo.

Jutskie

Lunes, Nobyembre 19, 2012

Unacceptable

 Sa wakas!! Dayoff ko na!!







Sabado pa lang pinaplano ko na kung paano reregaluhan ang sarili sa araw ng aking pahinga. Nananakit na ang mga kasukasuan ko at medyo nagmumukang luya na ang paa ko. Pumunta ako sa isang "SPA" na madalas kong makita na nadadaanan ng jeepney kong sinasakyan papasok sa trabaho.

Mukha namang mura at disente ang serbisyo kaya naisipan kong testingin.

Dito ko nakilala ang kaherang sisira ng araw ko dahil maldita, wala akong basehan diyan maliban sa hindi niya sineseryoso ‘yung mga tanong ko tungkol sa presyo at kalidad ng foot spa. Kulang siya sa lambing kung sumagot, akala niya siguro wala akong pambayad kasi hindi ako nakaporma. Para sa akin naman di ko kelangan magpaimpress sa mga taong babayaran ko para serbisyuhan ako.

Pero ok lang wala problema. Pinabayaan ko na lang tutal panget naman siya.

Umupo ako sa sofa at inaliw ang sarili sa pagbabasa ng flyer na binigay sakin nung nagbebenta ng mga "house and lot" sa labas. May katabi akong singkit di ko lang masabi kung Intsik, Koreano, o Hapon.

We will name him Mr. Chow.

Makalipas ang mahigit kumulang tatlumpung minuto. Unti unti na akong ginagapi ng aking antok, nabasa ko na rin lahat ng nakasulat dun sa flyer. Makikinig sna ako ng musika mula sa aking telepono nang biglang kausapin nung kahera si Mr. Chow. Ubos na raw ang pang highlight nila sa buhok.

Ngayon ko naisip na kanina pa si Mr chow dito, actually nauna pa siya sa akin. Mukhang yun lang tlga ang ipinunta dito ni Mr. Chow.

"That's unacceptable."




"I'm sorry?!" sagot nung kahera.

"That's unacceptable." sambit muli ni Mr. Chow.

Hindi ko alam kung tlgang hindi naintindihan ng kahera yung sinabi ni Mr. Chow dahil sa tigas ng accent nito, or tlgang nagbibingibingihan ang bitsesang kahera. Naalala ko tuloy ang katrabaho ko na kapag nakakakita ng Intsik, Koreano, o Hapon ay binabanggit ang pangungusap na ito: "Do you spheak engrissh?" Ganyan katigas accent ni Mr Chow.

Unacceptable daw yung sinabi ng kahera. Hindi katanggap-tanggap na maubusan ng pang highlight ang parlor samantalang thirty minutes ago, may hawak pa raw silang dalawang bote nun.

"You cannot just lose your stocks immediately."

Naisip ko oo nga naman dalawang bote pa pala sino customer nila si Rapunzel?

Nangatwiran ang kahera. Wala na raw talagang stocks at kadalasan, inaabot ng anim na buwan bago sila mag imbentaryo.

"What? You should order stocks when at 3 months you feel like you're running out of stocks. You will be losing customers if this is how you do business."

Hindi mapakali ang mata ko magpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa habang nagsasagutan. May punto si Mr. Chow, ngunit hindi rin naman responsibilidad ng kahera ang pag imbentaryo.

“Someone should be in charge of the orders. How about your boss?”

Naguutos lang daw ang boss nila, baka sisantihin pa daw sila pag sinabi nila ang isyu sa boss na magimbentaryo.

"Wrong wrong wrong. You should have someone to check each product so that you will know when to order more."

Tuloy tuloy ang pagtatalo nilang dalawa. Ilang saglit pa, mukang sumuko na sa inglesan ang kahera, tumingin sa akin, nakangiti at iiling iling, na parang sinasabing: "Tignan mo tong Intsik, Koreano, o Hapon na ito, kabayang pinoy, napaka OA no?"

Akala nya siguro ay ngingiti din ako. Pero walang nagbago sa aking mukha at bumulong lang ng "Meh..."

Makalipas ulit ang ilang sandali, nagsasalita parin si Mr. Chow tungkol sa serbisyo ng SPA sa mga kliyente nila. Naawa ako sa ginoo sapagkat nagsasalita siya ngunit hindi na siya pinapansin ng kahera at iba pang mga kasamahan nito. Parang isang matandang nag uulyanin na nagsasalitang mag-isa si Mr. Chow. Paulit ulit “That’s not how you do business. This is unacceptable."

So ayun tinawag na ako para sa serbisyo ko nagpa foot spa muna ako para di naman mandiri yung magmamasahe sa akin pag nahawakan ang paa ko. Narinig ko si Mr. Chow na me kausap, kasama nya pala. Nuon ko nalaman suki si Mr Chow dito. Naririnig ko na maganda raw magpa highlights dito kaya dito sya lagi pumupunta. Naramdaman ko na bat ganun suki pala pero ganun ang trato.

Naisip ko napaka swerte ng may-ari ng SPA na ito, kasi kahit ugaling iskwater mga empleyado nya nakatsamba pa rin siya ng loyal na kostumer gaya ni Mr. Chow.

Bago umalis si Mr. Chow nagsalita pa ito:

"First time you made me disappointed. Yous should always be ready. Bad service, Bad business."

Halatadong nagpipigil ng pagkagalaiti si Mr. Chow, pero humingi naman ng dispensa ang kahera. Ngumiti na lang si Mr. Chow at iwinasiwas ang kamay na animoy "Whatever.."

Biglang umingay pag alis ni Mr. Chow. Ang OA daw kase mag demand.

"Tinataboy na sya eh manhid ata di makahalata."

“Regular ‘yan eh, nire-reject na nga siya, bumabalik pa rin, ayaw umalis.” ayon sa kahera.

Ngaun lang ako nakarinig ng negosyo na nagtataboy ng regular na kostumer.

Pero ang akin kung ayaw nilang bigyan ng serbisyo bakit di na lang nila sinabi ng harapan para di na nag antay ang matanda. Maaaring hindi marunong bumasa ng kapalastikan si Mr. Chow. Kasi naman yun pala saloobin nila, nakangiti sila ngunit minumura na pala nila sa isip ang matanda.

"Madami namang parlo jan sa iba sana dun na lang siya." Sambit ng isa pang empleyado.

Sobrang busy sila sa pagisip ng mga bagay bagay upang siraan ang kanilang kostumer na si Mr. Chow, hindi tuloy nila namamalayan na ganito ang itsura ko habang nakikinig sa kanila dahil me maisusulat na naman ako sa blog ko.


-Jutskie

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Ikaw ba ay nalolongkot?

Is there someone at your workplace who makes you feel anxious, frustrated or angry? Does that person seem intent on controlling your behavior against your will? Does he belittle, embarrass or even humiliate you?



Ang ating madalas sabihin sa mga katrabaho natin na malaki ang sahod ngunit ang ginagawa lang sa opisina ay makipagchismisan, magbasa ng dyaryo, magikot-ikot, at makipagtalaktakan ng ingles sa mga "boss".

Ang masama pa nito karamihan sa mga ganitong tao ay "bully" sa ating mga opisina. Ayon sa aking mga karanasan sa opisina may ilang halimbawa nito na aking ikaklasipika narito sila:

1. "Obyus na Buly". Madalas maingay, agresibo, madalas umangal upang mapilit ang ibang tao na gawin ang kanyang nais.

2. "Mautak na Bully". Mahusay ang isang ito, mautak sa mga pamamaraan na kanyang ginagamit. Hindi mo siya mahahalata na bully, simple ang pamamaraan at kadalasan ay nakatago ang pambubully nya sa maayos na paguugali. Ngunit sa likod ng lahat ng ito ay mahahalata ang pagiging traydor.Kadalasan nirerespeto at pinagkakatiwalaan ang taong ito, ginagamit nya ito upang tahimik na traydurin ang kanilang tiwala upang makamit ang kanyang mga nais. kadalasan naniniwala ito na ang resulta ang mas mahalaga kesa sa pamamaraan ng pagkuha nito.

3. "Tropa ng mga Bully". Madalas umatake ito sama-sama ang kinaganda dito ay di sila masyado umaatake. Madali lang din sila maiwasan. Tago ka na lang sa cr or wag ka paharang harang pag naglalakad sila. Pag mga lalake version ingat baka konyatan ka ng mga yan. Pag mga babae naman magbubulungan yan habang nakatingin sayo tapos magtatawanan.

Pangkaraniwang paraan ng pam bubully:

a. Pagbabanta sa posisyon sa trabaho. Minamaliit ang opinyon mo, pamamahiya sa posisyon mo, o hindi tamang pag gamit ng mga disciplinary measures.

b. Pagbabanta sa emosyonal na level. Pangaalipusta sa integridad, mapanira at sarkastikong pamamahayag, paulit-ulit na di pagpansin at paglayo, hindi kaiga-igayang mga biro, at hindi pagsama sa mga oportunidad o pagtitipon.

c. May kinalaman sa trabaho. Pang iistorbo, imposibleng deadline, pag pressure, hindi pagpansin ng mahusay na trabaho, pag talaga sa walang kwentang gawain, pagtanggal ng responsibilidad, paulit ulit na pagpapaalala ng kapalpakan, at iba pa.

Minsan maiisip mo kung bakit kailangang gawin pa ito. Maaaring sila mismo ay biktima ng ganitong sistema, o kaya naman ay talagang may masama lang silang pag uugali, o pwede rin naman na hindi sila niyayakap ng mga magulang nila nung sila ay bata pa. Ganun pa man hindi sapat na dahilan ang mga nabanggit. Kung maaari lang tsana nating tanungin ang mga homeroon teacher nila kung paano sila pumasa.

P.S. Naisip ko lang to dahil trending ung babae na may sinisigawan sa MRT na AMALAYER daw ngunit maliwanag naman sa aking pandinig na ang kanyang binabanggit ay "Ehrmergerd!! E'm eh lyer!!" na ang ibig sabihin ay mahilig akong humiga.


-Jutskie

Martes, Oktubre 16, 2012

Grammar Nazi

Oktubre 16, 2012


Matapos ang mahigit dalawang linggong pag-iisip ng ideya para sa susunod kong artikulo, kumatok ang right hemisphere ng utak ko. Ito ay naganap ng aking mabasa ang isang plakard sa jeepney. "Bayad Bayad din kapag my time". Sa unang tingin tila isang paalala lamang ito sa mga pasahero na animo ay may bulsa sa balat o talagang gusto lamang makapanlamang.

Actually matagal na nating napapansin sa paligid ang mga ganitong uri ng pangungusap o mensahe. Bago pa man sumikat ang jejemon at iba pang uri ng "Urban Slang". Dito nagdesisyon ang inyong lingkod na imbestigahan ang anomalyang nagaganap ukol dito.

After a rigorous research by following the correct steps of the scientific method, yours truly encountered a group that may finally shed light on this particular phenomenon. I stumbled upon a group who is an expert in this field of study. They are known as "Partido ng Uliran at Kapita-pitagang Empleyado or P.U.K.E.



Ipinaliwanag ng grupo na ang naturang mentalidad ay talamak. Wala silang tawag sa ganitong uri ng lengguwahe. Ito umano ay maaaring paghahalo ng tagalog at ingles o purong tagalog na animo'y sinasadyang maliin ang ibang salita na nakapaloob sa pangungusap o mensahe. Madalas itong mabasa sa mga pampublikong sasakyan, establisimento at iba pa. Ayon sa grupo, ito ay maaaring kumalat na na di alintana ng publiko. Mayroon itong "Humor" effect na kapag nabasa ay mapapangiti ka imbes na mainis o itama dahil mali. Mahirap nga naman ito itama dahil malay mo sinadya talaga na gawiing ganuon ang pagkakasulat eh di napahiya ka pa? O pwede din namang talagang nagkamali lang talaga ang nagsulat? Nagbigay ang grupo ng iba pang halimbawa nito:

  1.  Full D' String to Stop - nakasulat sa isang patok na jeepney
  2. No Cridet Tom na lang - ayon sa isang sari-sari store sa caloocan
  3. 0917XXXXXXX  nid txtm8 gerls only - message sa likod ng upuan sa bus
 Narito pa ang ibang mga larawan na kanilang iniambag:






Kung tutuusin napakayaman ng ating wika. Mas maganda sana kung sisiguraduhin natin na ito ay nagagamit ng maayos. Maaaring epekto ito ng pagpapatawa o simpleng katamaran lamang ng nagsusulat. Sariling wika mo nga di mo magamit ng maayos tumatangkilik ka pa ng salitang banyaga? Nakakatuwa hindi ba? Pero bago ka mamuna gaano mo ba kakilala ang ating wika? Ikaw ba alam mo kung paano ginagamit ang salitang "Ng at Nang"?



-Jutskie

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

To see is to believe o_0


Pahinga muna sa pagsusulat kaya heto copy paste muna ng isa sa mga paborito kong istorya.

"A Russian astronaut and a Russian brain surgeon were once discussing religion. The brain surgeon was a Christian and the astronaut was not. The astronaut said, "I've been out in space many times but I've never seen God or Angels." And the brain surgeon said "And I've operated on many clever brains but I've never seen a single thought."Then Russian Physicist Pavel Cherenkov said "You are both fools. You cannot see thoughts or Angels. One is an abstract the other is fantasy. To compare the two would be silly. Of course, using inferential logic, we can detect the existence of thought by the evidence of its actions, just as i detected the existence of a new form of radiation! Seeing no evidence of God or Angels, and applying Occam's Razor we can effectively rule out God or Angels with metaphysical certainty. By the way Mr. Astronaut, you have cancer.-----Pavel Alekseyevich Cherenkov was a Soviet physicist who shared the Nobel Prize in physics in 1958 with Ilya Frank and Igor Tamm for the discovery of Cherenkov radiation, made in 1934.

So kaya ayun ang aral wag mo ipagpilitan paniniwala mo dahil malay mo wala akong pakialam. :v


-Jutskie

Martes, Oktubre 2, 2012

RA 10175

Kaninang umaga marami akong nakitang artikulo tungkol sa RA 10175. Maski man ako hindi ko alam ang tunay na layunin nito maliban sa mga narinig ko sa bibig ng ibang tao. Nagulat ako na may rally na palang nagaganap ukol sa batas na ito. Naguluhan ako nuong una ng may makita akong mga post na naka-block sa ibat-ibang social media sites. (████████████████████████ [ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛ ʙʟᴏᴄᴋᴇᴅ] (ʀᴀ ɴᴏ. 10175).) Sinubukan ko mag-post at tinignan kung ito'y masesensor ngunit hindi. Dito ako nagkainteres alamin kung ano ang nakasaad sa batas na ito.

http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/

Matapos basahin at intindihin, hindi rin ako sang ayon sa batas na ito. Ngunit ang mas nakakalungkot makita ay ang ibang tao na nagbibigay ng maling impormasyon sa publiko. Narito ang isa sa kanila:



Ito daw ay isang ebidensya na ang batas ay inaabuso na ng kapulisan. Sinasabi rito na mayroon na silang kapangyarihan na hulihin ang sino mang magbitaw ng di kanais nais na salita laban sa kapulisan. Ito naman ay pinabulaanan ng PNP. Kung ganon man masasabi nating ito ay peke hindi ba? Hindi ba dapat yan ang kasuhan ng "Libel"? Isa pang misleading na impormasyon ay ang binaggit ni Senador Teofisto Guingona:

“The law is very broad,” Guingona, who opposes the new law, said.

    “If you click like, you can be sued, and if you share, and continuously re-share information, you can also be sued. Saka sino ang liable? Hindi klaro eh. ‘Yung original na nag-post? ‘Yung nag-share? ‘Yung nag-tweet? Kahit nga ikaw, mag-post ka ng simpleng ‘hehehe’ di ba? Ibig sabihin nu’n, sangayon ka (And who is liable? It isn’t clear. The one who made the original post? The ones who share? The ones who tweet. Even you, if you post a simple, ‘hehehe,’ right? Does that mean you agree)? Are you liable? So, napakalawak eh.”
 
Walang labis walang kulang yan ang sinabi nya.

Nakadagdag sa kaguluhan ang katotohanan kung ano ang libel at kung ano rin ang kinokonsiderang "libelous". Sa aking pagkakaintindi: Ang pagpuna sa isang "Public Servant" ay hindi libel ngunit ang pagsulat ng kasinungalingan sa kanila ay libel.

Nakakalungkot lang na karamihan sa ating lipunan ay hindi man lang sinisikap intindihin ang mga bagay bagay, bagkus ay umaasa na lang sa sinasabi ng iba. Naguumapaw tayo sa impormasyon ika nga ni Lourd De Veyra. Sana gamitin natin ito.

Sa kasalukuyan ay gumagawa ng paraan ang mga senador upang baguhin ang probisyon sa libel.

Napakahilig talagang magwaldas ng salapi ang mga senador. Magpapasa sila ng palpak na batas at maglalabas ng petisyon upang bawiin ito.

Ang masasabi ko lang hindi ko sinusuportahan ang batas na ito. Ngunit hindi ko rin tatangkilikin ang pagkalat ng maling impormasyon para lang kontrahin ang isang bagay. "Two wrongs do not make one right" ika nga.



-Jutskie

Linggo, Setyembre 30, 2012

Gargantua

Approximately twenty four years ago I met a person that possessed the gorgons talent for turning children to stone with a single look. This was my teacher, I cannot recall her name anymore but I am sure she is a "Matandang Dalaga".



But enough of my personal ephipanies. I was in the DFA last friday to renew my passport. A notice on the entrance of the payment section caught my eye, "No exit for applicants".

Moving forward after completing the task at the payment section, a guy who appears to have a cheap long sleeved polo gave me a number. It is the same number they give you in banks to keep track of the queueing order. The number I received is 1321 then looking at the digital board its on 1005. After a few ding-dong sounds created when the board changes number, I became hungry. I decided to grab some food first since the number on the board is 1125 as of the moment. I tried to exit from the entrance but the guard pointed at the sign "No exit for applicants" so I looked for an alternate exit out of the building. It is not that far, but it would be quicker if you exit the same way you entered. After indulging in a wonderful meal I decided to head back in the building. Seeing the "No exit for applicants" sign again, I settled to the seats next to the entrance where I can clearly see the numbers in the digital board. I didn't enter because of the hassle I might encounter when I decide to exit the building again. Minding my own business, I cant help but notice some people exiting the entrance door. I asked the guard "Manong akala ko walang labasan dito?" He answered it's for employees only. So I let it go but again a few moments later i noticed another group of people exiting the same door. This time I am sure because I can see the application forms they have, they are not employees I because we both have the same forms. I did not say anything but instead stared at the guard and waited for him to look in my direction. When he did i made sure he realized how disappointed I was while muttering to myself  "Whatever manong... Whatever...". Maybe out of shame he left his post and another guard took his post instead.




How I wish my teacher back then was here to deliver her stone cold basilisk stare at that guard.


-Jutskie

Linggo, Setyembre 23, 2012

NO CP IN CR

Isa ito sa mga araw kung saan mali ang halos lahat ng bagay. Trapik, naglolokong kompyuter, walang delikadesang mga katarabaho at nanakit na leeg upang ako ay maaburido sa araw na ito. Pero ang pinakamahalaga ay halos apatnaput walong oras na simula ng huli akong magbawas. Sinubukan kong kumain ng isang mangkok ng "Fiber rich cereal" sa aking agahan, mangilan ngilang tasa ng kape sa opisina at isang tanghalian na sasapat bumusog ng dalawang teenager. Natapos ang araw at ako ay pauwi na, naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan na animoy may nangyayaring "nuclear fusion", dagdag pa rito ang manaka nakang pagutot na aking ikinatakot na baka may kasama na itong katas. Nakakalungkot pa ay may kailangan akong daanan at bilihin sa isang mall. Natapos ko naman ng maayos ang aking layunin sa mall ng mapansin ko ang isang plakard na may nakasulat na "Everything must go!". Ito ay isang propesiya, dahil pinaalala sa akin ng aking sikmura na dapat na kaming magtuos. Palatandaan nito ang utot na ang tunog ay kahalintulad ng sando na pinupunit ni Hulk Hogan. Nagmamadali akong pumunta sa kasilyas ng mall at sinurvey kung alin sa apat na "cubicle" ang maaari kong gamitin upang isakatuparan ang aking balak.

Pinangalanan ko ng 1-5 ang mga cubicle upang mas madali natin silang ma track.

1.) May Tao

2.) Malinis ngunit may Plakard na di pwedeng gamitin.

3.) May kapansin pansing brown residue sa upuan.

4.) May tissue at ebs sa inidoro

5.) Sira ang upuan me kahinahinalang malagkit na bagay sa upuan.

Obvious naman, pinili ko si number 2. Hindi ako komportable na me tao sa katabi kong cubicle ngunit wala akong mapagpipilian pang iba.

Nagsisimula na akong gawin ang aking balak ng marinig ko ang "Fur Elise" na obra ni Luwdig Van Beethoven. Ito ang ringtone ng cellphone ng katabi ko. Pangkaraniwan na ang boses ng isang tao ay mas malakas ng 8 decibels kumpara sa pangkaraniwan kapag ito ay nagsasalita sa cellphone. Nailang tuloy ako sapagkat alam kong malakas na tunog ang magiging resulta ng di namin pagkakasundo ng aking sikmura at alam kong maririnig ito sa cellphone ng katabi ko. Inaantay kong matapos siya sa telepono ngunit bawat bagay ay may hangganan. Dumating ako sa punto na nanaig ang galit ng sikmura kesa kahihiyan. Wala na akong pakialam, bumwelo ako at nilagay ang magkabilang kamay sa magkabilang pader at umire ng todo. Biniyayaan ako ng isang utot na ang tunog ay mala epiko ang magnitude --kasing tunog ng isang kumot na unti unting pinupunit o plywood na pinupunit mula sa isang pader. Unti unting huminahon ang tunog at nararamdaman kong tumitigil na din sa pag vibrate ang pisngi ng aking mga wetpaks.Tatlong bagay ang naging kapansin pansin matapos ang pangyayaring ito. 1.) Natigil ang usapan sa kabilang cubicle. 2.) Ang sikmura ko naman ngayon ang nag vibrate. 3.) Nakakasulasok ang amoy sa CR na para bang ang pintuan ng impyerno ay nabuksan. Narinig ko ang aking katabi na naubo animoy may sumasakal sa kanya na di nakikitang elemento. "Anu ba yan!" kanyang nasabi na animoy hinahabol ang hininga. "Babes di ako yun..(ubo..ubo), narinig mo yun? (ubo..ubo)."  Tuloy tuloy pa din ang pagpapakawala ko ng nuclear waste. Iba-iba ang variety nila may basa, squirt, tubol, at mangilangilan na may kasama pang tunog. Narinig ko ang katabi ko na halos humahangos na as if nagmamadali ng makaalis sa mala Chernobyll na lugar na yaon. "Grabe... *ubo..kakasuka.. pauwi na ko.." kasunod nuon ay ang mga tunog ng isang taong pinipigil masuka. May narinig din akong tunog ng "splash" at kasunod nuon ay pagmumura na mismong si hitler ay mahihiya pag narinig nya. Naisip ko na napakahirap humawak ng telepono habang nagpupunas ka ng wetpaks habang pinipigil mo ang suka mo. Nalaglag ang cellphone nya sa inidoro KAPUT! Kasunod nuon ay nakabibinging katahimikan. Naiimagine ko sa isip ko ang ginagawa ng katabi ko. Nakatingin sa inidoro iniisip niya kung ano ang kaniyang gagawin. Naglabas na naman ako ng bio-chemical weapon na may kasamang tunog. Mukhang napuno na ang salop, narinig ko ang flush, paguunlock ng pinto at padabog na pagsasara nito. Makaraan ang ilang minuto natapos din ang nakatadhanang labanan ng kasamaan at kabutihan muling naghari ang kapayapaan sa aking sikmura. Tinignan ko ang inidoro, napailing ako at naawa sa janitor na maglilinis nito hindi kakayanin ng flush ang duming ito. Naisip ko din na kung me isip ang inidoro malamang minumura na ako at sinasabing..."Why? What did i do to deserve this?!" Paalis na ako ng maisip kong silipin ang katabi kong cubicle. Wala ng laman ang inidoro. Naisip ko kinuha nya kaya yung cellphone nya? Isa na namang tanong na walang kasagutan ang nadagdag sa aking buhay. Lumabas ako ng CR nakikiramdam kung may tumitingin ng masama sa akin (Baka kasi andun pa ung katabi ko kanina at inaabangan akong lumabas). Malamang isa lang ito sa mga dahilan kung bakit hindi dapat gamitin ang cellphone sa public CR.

-Jutskie

Linggo, Setyembre 16, 2012

MSPP

Monumental Stupidity in Public Places

Ilang beses ng nangyari sa inyo na me umutot habang kayo ay nasa elevator? LRT? Eh yung nakasakay ka sa pataas na escalator at yung nasa unahan mo ay napakalikot? Ilan lang yan sa mga nakakairitang bagay na maaari mong maranasan sa mga pampublikong lugar. Narito ang apat na pampublikong lugar kung saan madalas magpahayblad sa atin ang mga walang pakundangang gawain ng iba. (Lima dapat kaso nabanggit ko na yung elevator at sa LRT :p)



4.) Parking Lot - Ang parte dito na nakakairita ay pag aalis ka na sa parking space mo at may nakabuntot agad na sasakyan na gustong pumalit sa iyong iiwanang espasyo. Wala akong sasakyan ngunit tunay na nakakairita ang gayon na tila atat na atat o kaya ay kinukunsensya ka na bilisan mo kumilos. Ang tendency sasabihan ko ang may arin ng kotse na tagalan pa lalo ang paglabas sa parking space.



3.) Kasilyas - Nasubukan mo na bang tumae sa public cr? bukod diyan may iba pang naglalagay ng tisyu sa upuan ng inidoro para "hygienic" kuno pero pagkatapos ay hindi naman aalisin ang mga tisyu at hindi ipa-flush ang inidoro. May iba naman na sadyang baluga lang talaga sa mga lalaki kung saan sadyang iihian ang upuan ng inidoro. Noice! Tama na yang part na yan di pa ako nag aalmusal.




2.) Sinehan - Mahilig ako manuod ng pelikula sa pinilakang tabing. Naranasan nyo na ba na habang kasarapan ng panonood eh gumagalaw ang sandalan ng upuan ninyo? Yan ang gawain ng ibang balasubas kung saan ginagawa nilang foot rest ang sandalan ng upuan sa harap nila. Eh yung me naririnig kang kakaibang ingay? Yung tipong maski di naman x-rated ang palabas eh me naririnig kang tounge to tounge action sounds? Ginagawa ko yun pero patago naman at hindi garapalan dun kayo pumwesto sa dulo sa pinakataas.



1). Bangketa o Sidewalk - Ito ang numero uno sa akin. Kahit araw araw ko nararanasan ang nakakabwisit na bagay dito, kahapon ang halos manapak na ako ng tao. Di kaila na maulan nitong nagdaang linggo. Galing ako sa ospital upang magpa tsek up at pauwi na ng bumuhos ang malakas na ulan. Binaha ang kalsada kaya sa bangketa ako dumaan paghina ng ulan. Maluwag ang bangketa ng maaninag ko sa unahan ko ang isang magnobyo na nakapayong sa gitna ng bangketa. Animoy namamasyal sa luneta. Unti unting lumakas muli ang ulan at sinubukan kong sumingit ngunit wala silang pakialam. Sinabi ko "Ekskyusmi.." tinignan ako ng babae tapos bumulong sa nobyo na animoy wala lang, parang sinasabing kung gusto kong mauna eh bumaba ako dun sa binahang kalsada. Duon ako nainis at sinabi kong "Baka gusto nyong magpadaan?! Hindi sa inyo tong bangketa!" Ayun mahaba na ang istorya ko pero alam ko alam nyo ibig kong sabihin. Ito yung mga taong dalawa o higit pa sa isang bangketa na naka "Horizontal Form" kung saan wala kang magagawa upang unahan sila dahil makakapal ang mukha nila. Isa pa rito ay ang mga obvious naman na nagtitinda sa bangketa na bawal naman talaga dapat pero mas nabubwisit ako dun sa unang nabanggit kaya di ko na muna papakialaman yung mga naghahanapbuhay.


Kung tutuusin marami pang ibang dapat banggitin. Isaisip lang natin lagi ang damdamin ng iba kapag tayo ay nasa pampublikong lugar upang hindi tayo makapang istorbo o makaperwisyo. Ikaw din di mo masabi baka dumating ang panahon na matae ka ngunit public cr lang ang pinaka malapit......


-Jutskie

Martes, Setyembre 11, 2012

Sukli



Hindi naman lahat tayo magaling sa math. Siguro marami ang may alam dyan pero iilan lang ang mga pinagpala maging magaling sa asignaturang nabanggit.

Kung matematika lang naman ang usapan ay naku magagaling dyan ang mga tsuper! May iba pa nga na marunong magkalkula ng presyo sa bawat kilometro na ilampas mo sa unang apat na kilometro kahit na nakasulat pa ito sa inilaladlad nilang taripa sa loob ng jeepney (metric system). May iba naman na isang tingin lang sa loob ng jeepney eh alam na agad nila kung ilan pa ang kulang (estimate). Magaling din sila sa "Business Strategy" halimbawa nito ay ang pagsasabi ng "Aalis na aalis na" kahit dadalawa pa lang kayong pasahero sa loob ng jeepney. Alam nyo naman parte na yan ng mga buhay nila. Di ka masasabing isang tsuper kung mahina ka dyan dahil kung hinde madali kang malugi o pagsigawan ng mga pasahero mo na “Manong kulang ang sukli ko!”
Ngunit sadya lang ba na may mga ibang tsuper na nanlalamang o nanggugulang ng mga kapwa nila para lang maaga makaboundary at makauwi sa pamilya o  makipag siyestahan sa mga kapwa drayber upang makapaginuman dahil sobra pa ang kinita? Yung tipong sinigaw mo nang estudyante ka pero pagbalik ng sukli mo sayo ay otso pa rin ang binawas sa binigay mo imbes na syete lang o kaya naman ay sasabihin mong "Jan lang ako sa kanto..." ngunit sobra ang sisingilin sa iyo at makikipagtalo ka pa na "Otso lang ang binabayad ko dito araw araw ako dumadaam dito!"

Masakit yun sa kalooban, lalo na kung piso na lang di pa naibalik ng maayos. Ang mahirap pa nun isisigaw mo na “Boss kulang ng piso!” tapos pagtitinginan ka ng mga pasahero na parang tingin sayo “Para piso lang eh kung makapag react naman?” Minsan naman ibabalik ang kulang ngunit bubulong bulong pa si manong tsuper. So ayun sino ba talaga ang may kasalanan sa aming dalawa? Ako ba o yung drayber? Kaya ayun mapipilitan ka na lang manahimik at mumurahin mo na lang sa isip ang pilyong drayber.“Sana gamitin nya yung piso ko sa mabuti” kung medyo matindi ang pag-iisip mo “Sana ikayaman nya yung piso ko!”

Kadalasan pa, sa mga patok na jeep eto madalas mangyari dahil sa lakas ng tugtog nila ay magdadalawampung isip ka muna kung paano mo sasabihin sa drayber na kulang yung sukli nya lalo na kung nasa bandang dulo ka pa. Aabang ka pa ng may bababa o yung parte ng kanta na mahina o tahimik para makasingit ka para marinig lang ng drayber ang sasabihin mo. Wag nyo na itanggi. Nangyari na ito sa inyo.

Kaya tayo kung titignan natin ang drayber at ito ay payat, nanghihina, puyat, luwa ang mata at uubo ubo. Naku, ipaubaya na natin yung piso dahil hindi naman natin yung ikayayaman hayaan na lang natin, bilang tulong na rin PERO kung ang drayber ay jeproks, matipuno, malakas pa, mataba ay naku gamitin ang mga bibig at lakas ng loob dahil bawat piso mahalaga lalo na sa ating mga komyuters at hindi mabubuo ang isang milyon kung kulang ng piso!


-Jutskie

Lunes, Setyembre 10, 2012

Ganstah

 Kasalukuyan kong binabagtas ang pamilyar na kalsada habang ako ay pauwi na galing sa isang makabuluhang araw sa opisina. Maputik ang kalsada tnda ng katatapos lamang na ulan, ako ay nagdesisyon na tumahak ng ibang daan upang maiwasan ang maputik na daan. Habang naglalakad napansin ko ang isang grupo ng kabataan na nakatambay sa isang basketball court at ng mapansin nilang nakatingin ako ay nagsimula silang gumayak gamit ang kanilang mga daliri sa kamay na animoy ginagaya ang sipit ng alimango. Tama ang naisip ko maluwag na Tshirt, kalbo, tattoo, 3/4 na maong pants, at higit sa lahat ang bling bling. Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang mokong na gumawa ng isang pamilyar na kumpas. Ito ay isang senyas ng MS13 o Mara Salvatrucha.
Napatawa ako sa kanila at di ko napigilan mag komento sa salitang ingles. "Bunch of fucking posers. There's no f*cking way a Filipino can be a MS13. Jesus Christ.... you kids are watching gangland too much. Too much TV ain't doing you good you bunch of mofos!!" (Mofo - ay isang slang na salita na natutunan ko sa isang kasamahan sa trabaho na lumaki sa california na ang ibig sabihin ay MotherF*cker). Narinig nila ako pero di ko alam kung naintindihan nila ako. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan kong napunta sa ganung landas, kakaunti na lang ang nakikita ko sa kanila. Isang kakilala na ganuon pa din ang porma, tila hindi naluluma ang kanyang FUBU shirt at one size cap. Ang pinagkaiba nga lang siya ang drayber ng isang sidecar na nagdedeliver ng softdrinks.


Ang MS13 o Mara Salvatrucha ay isang criminal gang na nagmula sa Loas Angeles. Palatandaan ng isang miyembro ng grupo ang tattoo sa buong katawan maging sa mukha at mayroon silang sariling sign language na ginagamit. Sila ay notoryus sa pagiging bayolente at paggamit ng dahas na naging daan upang sila ay irecruit ng Sinaoan Cartel.

-Jutskie